Sunday, May 3, 2009

Pahayag ng PLM sa Mayo Uno

Pahayag ng Partido Lakas ng Masa (PLM)
sa Araw ng Paggawa 2009


Uring Manggagawa, Wakasan ang Krisis sa Lipunan!
Itayo ang Gobyernong Anti-Trapo!

Walang duda na lalong lalala pa ang krisis sa ating bayan. Daan daang-libo na ang manggagawang natanggal sa trabaho. Kabilang na rito ang maraming nag-uuwiang OFWs mula sa Taiwan, Korea, Hongkong, Malaysia, Middle East at Europa.

Bago matapos ang 2009, inaasahang darami pa ang magsasarang pabrika. Aabot sa higit 11 milyong manggagawa ang mawawalan pa ng trabaho.

Ipinakikita ng krisis ang patuloy na pagkalagas ng mga manggagawa sa industriya, o ng mga manggagawa sa “formal economy”. Sa kabila nito ay ang patuloy na paglaki ng mga manggagawa sa “informal economy” – mga vendors, tricycle drivers, jeepney drivers, o mga taong hindi mabigyan ng pormal na trabaho at nabubuhay na lamang sa sariling sikap o sa iba’t ibang kaparaanan.

Inutil na gobyerno

Habang tumitindi ang krisis, ang masaklap na katotohanan ay walang solusyon rito ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Sa halip ay mga pangako na ihahanap ng trabaho ang nagsisiuwing OFWs, magbibigay ng pautang, at magbibigay ng re-training sa mga manggagawa para makapasok sa ibang trabaho.

Pero lahat ito ay pangako lamang, gaya ng mga pangako ng sinumang pulitiko na mula pagkaluklok sa poder ay wala nang ginawa kundi magpakabundat sa yaman at kapangyarihan.

Kabilang sa mga pangako ang P330 billion “economic stimulus package”. Pero lumalabas na ito’y binubuo lamang ng mga:
(a) dati nang allocated budget para sa infrastructures at serbisyong pang-komunidad,
(b) mga tax break para sa mga korporasyon at kapitalista,
(c) at alokasyon para sa “temporary short-term jobs” gaya nang paglilinis sa kalsada, na gagamitin lamang sa panahon ng eleksyon.

Ang “stimulus package” na ito ay “stimulus” para sa mga trapo at sa mga kapitalista at hindi para sa mga manggagawa at maralita.

Gobyerno ng mga trapo

Sa madaling sabi, hindi mawawakasan ang krisis hanggat nananatili ang gobyernong Arroyo.

Pero palitan man ito ng iba pang gobyerno, hindi pa rin mawawakasan ang kahirapan. Laluna kung ang ipapalit ay gobyerno pa rin ng mga trapo. Mga tradisyonal na pulitiko na binubuo ng mga angkan na matagal nang naghahari sa ating bayan at nagnanakaw sa kaban ng bayan. Mga angkan na nagpapalit-palitan lamang tuwing ikaapat o ikaanim na taon para tayo pagharian at pahirapan.

Sa darating na 2010, magpapaligsahan na naman ang mga trapo. Sa isang banda ay ang mga trapo na nasa kampo ni GMA. Sila ang mga De Castro, Teodoro o sinumang babatain ni GMA. Sa kabilang banda ay mga trapo na Oposisyon kay GMA pero trapo pa rin sa kaibuturan. Sila ang mga Villar, Escudero, Roxas, Legarda at Estrada.

Sila ang mga matatagal nang politiko na nabigyan ng maraming pagkakataon na maglingkod sa gobyerno subalit walang inihatid na ginhawa sa bayan. Sila ang nagmula sa mga political clans na bumibilang lamang ng 120 pamilya na komokontrol sa pulitika ng higit 75% ng mga probinsya sa ating bansa. Sila ang mga angkan na may hawak ng malalawak na lupain at asyenda na ni-land grab sa ating mga ninuno. Dahil sa kanilang yaman sa lupa, ang kanilang mga anak ang naging malalaking kapitalista ngayon na nagpapahirap naman sa maraming mga manggagawa.

Kung ang ating ipapalit sa gobyernong trapo ni Arroyo ay gobyerno pa rin na galing sa ibang angkan ng mga trapo, walang mapapala ang masa. Kawawa pa rin ang bayan.

Gobyernong anti-trapo

Nagdudumilat ang katotohanan na ang tanging solusyon para baguhin ang ating kalagayan ay ibagsak ang gobyerno ng mga trapo at palitan ito ng gobyernong anti-trapo.

Kapalit ng angkan ng mga trapo, ang dapat maghari sa ating bayan ay mga kinatawan ng nakararaming mamamayan na matagal nang pumapasan ng krisis na dulot ng paghahari ng mga trapo. Sila ang:

(a) Uring manggagawa na binubuo ng mga batayang sektor ng manggagawa sa industriya, mga mala-manggagawa sa komunidad, mga urban poor, at mga manggagawa sa kanayunan. Kabilang dito ang mga vendors, ang mga drivers, mga manggagawa sa serbisyo at lahat ng nagpapatulo ng kanilang pawis para mabuhay.

(b) Hanay ng makabayang sundalo na ang mga lider – gaya nina Senador Sonny Trillanes, Brig. Gen. Danilo Lim, at Major Jason Aquino – ay ikinulong ng gobyernong Arroyo dahil nakipaglaban sa karapatan ng bayan. Sila ang makapangyarihang pwersa na ginagamit lamang ng gobyerno para seguridad sa kanilang paghahari at para ipambala sa mga kanyon. Ngayon ay nagsisimula na silang mamulat at maghangad ng pagbabagong magaganap lamang kapag naibagsak ang gobyerno ng mga trapo.

(c) Ang hanay ng mga panggitnang uri, o ang mga sektor na binubuo ng mga maliliit na mamumuhunan, mga propesyonal, abugado, artista, at mga kawaning kumikita ng malaki-laki kaysa karaniwan. Mabilis na bumabagsak din ang kanilang negosyo at kabuhayan, at unti-unti nilang nakikita ang kanilang sarili na dumadausdos sa ranggo ng mga manggagawa at walang-trabaho.

Tatlong pwersa, tatlong sandata

Ang tatlong pwersang ito ang kumakatawan sa tatlong sandata para sa pagbabago sa kasalukuyang lipunan. Sila ang kumakatawan sa malapad na hanay ng mga pwersang anti-trapo.

Dapat silang magsama-sama para itayo ang isang gobyerno na aagawin sa mga trapo. Isang gobyerno na ang ipapalit ay mga kinatawan ng tatlong pinakamalaki, pinakamalakas at pinaka-progresibong pwersa sa lipunan – ang malapad na hanay ng uring manggagawa, ang mga makabayang sundalo, at ang mga panggitnang pwersa.

Ang pagkakaisang ito ng tatlong pwersa ang naging dahilan ng pagbagsak ng mga gobyernong trapo sa maraming bayan sa Latin Amerika. Ito ang mga pwersang nagluklok kay Hugo Chavez, isang rebeldeng militar, sa Venezuela. Ito rin ang mga pwersang nagluklok kay Evo Morales, isang sosyalistang indigenous, sa Bolivia. Ito rin ang mga pwersang sumuporta sa pagkapanalo ni Bishop Fernando Lugo, isang aktibistang pari, sa Paraguay.

Sa Pilipinas ngayon, ang tatlong pwersang ito ang naghahandang magsama-sama sa darating na halalang 2010 para ilaban ang mga kandidatong anti-trapo. May mga nagmula sa makabayang sundalo gaya ni Brig. Gen. Danilo Lim; makabayang pari gaya ni Gov. Among Ed Panlilio ng Pampanga; at mga anti-trapong opisyales ng lokal na pamahalaan gaya nina Gov. Grace Padaca ng Isabela. Ihanay natin sa kanila ang mga lider ng manggagawa at maralita sa lungsod at kanayunan na sa malao’t madali ay mabubuo sa isang malapad na pwersang magbabagsak sa mga trapo.

Hindi lamang eleksyon

Ang tatlong pwersa na ito ay dapat magsama-sama hindi lamang sa eleksyong 2010. Dapat silang magsanib sa estratehikong layunin na gagamit ng lahat ng paraan para ibagsak ang trapong gobyerno at iluklok ang gobyernong anti-trapo.

Ang estratehikong layunin ay kailangang buuin sa pagkakaisa sa isang plataporma na maglilinaw ng mga pagbabagong nais nilang gawin sa gobyerno at sa lipunan. Bubuuin din ito ng pagkakaisa na pagsanibin ang lahat ng pamamaraan para itulak ang pagbabago. Pamamaraan ito na kombinasyon ng mga aksyon sa kalsada, aksyon ng makabayang sundalo, at interbensyon sa halalan.

Ngayong Mayo Uno, tinatawagan namin ang uring manggagawa na pangunahan ang nasabing pagsasanib ng tatlong pwersa, at ang nasabing layunin ng pagbabagsak ng paghaharing trapo at pagtatayo ng gobyernong anti-trapo. Dapat pangunahan ang pagsasanib at pagpaplanong ito mula sa pambansa hanggang sa lokal na antas.

Uring manggagawa, mangahas makibaka, mangahas magtagumpay!

Pahayag sa Marso 8 - Araw ng Kababaihan

Pahayag ng Partido Lakas ng Masa sa Araw ng Kababaihan

Hindi dapat ipapasan sa kababaihan ang krisis pang-ekonomya!
Itigil ang mga tanggalan! Moratoryum sa lay-off!

Napakatinding pinapasan ng mga manggagawa at maralita ang krisis pang-ekonomya ng kapitalistang sistema. Matinding tinamaan ang uring manggagawa at ang maralitang kababaihan. Lumaki ng may 10.7 milyong katao ang bilang ng nawalan ng trabaho mula 2007 hanggang 2008, ang pinakamataas na taunang paglaki mula 1998. Ang mga kababaihan sa partikular ang talagang tinamaan. Ang pagkawala ng trabaho ay lumaki mula 6.3% sa kababaihan kung ikukumpara sa 5.8% ng kalalakihan (ILO, 2009). Iniulat ng ILO na ang pandaigdigang kawalan ng trabaho ay lalaki pa ng 51 milyon sa 2009 at ang mga kababaihan ang matinding tatamaan.

PAGKAWALA NG TRABAHO, PAGBABA NG KITA

Sa Pilipinas, ayon sa ekonomistang si Benjamin Diokno, 11 milyong manggagawa ang maaaring mawalan ng trabaho sa pagtindi ng krisis sa ekonomya nitong 2009. Noong 2008, ayon sa mga mananaliksik ng ILO, may 250,000 manggagawa na sa mga planta ng makina at asembliya ang natanggal sa trabaho. Kung isasama ang mga manggagawa mula sa pabrika ng elektronics at garment & textiles, ang bilang nito’y mahigit pang 300,000 na natanggal ng nakaraang taon, kung saan halos lahat ay noong Oktubre nang tumindi na ang krisis pang-ekonomya. Ang sinasabi ng DOLE na nasa 40,000 manggagawa lamang ang natanggal ay isang kasinungalingan!

Ilan sa mga industriyang matinding tinamaan ay ang garments, textiles at electronics. Nasa 72.3% ng lakas-paggawa sa electronic ay pawang kababaihan at 86.5% naman sa sektor ng garments. Napakatinding tinamaan ang Calabarzon. Mula 7 hanggang 8 sa 10 natanggal sa mga export processing zones (EPZs) ay pawang mga kababaihan. Mga kababaihan din ang mayorya ng may bantang matanggal sa trabaho sa apat na pabrika ng electronics sa Cavite Economic Zone sa Rosario, Cavite. Nagdurusa rin sa pagbawas sa sahod ang mga manggagawang kababaihan sa mga EPZ dahil sa iskemang pagsiksik ng trabaho kada linggo, kung saan pinahihintulutan lamang na magtrabaho ang mga kababaihang manggagawa ng dalawa hanggang tatlong araw bawat linggo.

Samantala, libu-libong OFWs ang nagbabalikan sa bansa dahil nagsarahan ang kanilang mga pabrikang pinagtatrabahuhan. Ilan sa matinding naapektuhan ay ang mga manggagawa sa pabrika sa Taiwan, at mga manggagawang domestic sa Singapore, Hongkong at Macau, na ang mayorya ay mga kababaihan. Nahaharap naman ang mga may trabaho pang manggagawa sa mga atake sa kanilang sahod at kalagayan sa paggawa sa pamamagitan ng pagbabawas sa sahod bilang resulta ng pinaliit na oras-paggawa, pagsuspinde ng pagpapatupad ng mga patakaran sa sahod, kontraktwalisasyon at pagpapagawa sa labas, pati na rin pagbabawas sa overtime at mga pista opisyal.

Napakalinaw ng epekto ng lahat ng ito – ipinapapasan sa mga manggagawa, lalo na sa mga kababaihan, ang tindi ng krisis pang-ekonomya. Ang mga pagkawala ng mga trabahong ito ay kumakatawan sa matinding pag-atake sa pamantayan ng pamumuhay ng uring manggagawa, lalo na ng mga kababaihan.

Sa badyet ng 2009, gagastos ang gobyerno ng P7,391.54 bawat tao para sa pagbabayad-utang habang naglalaan lamang ng P2,050.98 bawat tao para sa edukasyon, P301.52 para sa kalusugan, P57.48 para sa pabahay at P112.80 para sa panlipunang serbisyo. Sa kalagayan ng krisis, ang nasabing badyet ay malinaw na laban sa kababaihan at laban sa mamamayan. Ang mga kabawasang ito ay tatama sa mga manggagawang kababaihan, lalo na sa mga maralitang kababaihan.

PAGBAGSAK NG EDUKASYON NG KABATAANG BABAE AT KALUSUGAN NG KABABAIHAN

Dahil sa walang maayos na pinagkukunan ng ikabubuhay, pinatitigil na ng pamilya ng manggagawa ang kanilang mga anak sa pag-aaral. Noong 1977 Asian crisis, lumaki ang bilang ng mga batang manggagawa sa Pilipinas, at nabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na babae sa lahat ng antas, kumpara sa mga lalaki. Mula 1997 hanggang 1998, lumaki ang bilang ng mga nag-aral na batang lalaki habang lumiit naman sa mga batang babae. Ang mababang sahod at mataas na presyo ng pagkain ay nagtulak para tipirin ang pagkain sa bahay. Minsan di na kumakain ng almusal ang mga ina at asawa para may sapat para sa buong pamilya. Nanganganib naman ang mga buntis at nagpapasusong ina dahil sa di mabuting nutrisyon.

PAGBIGAT NG PASANIN NG KABABAIHAN

Lalong bumigat ang pasanin ng mga kababaihan. Noong krisis-pinansyal sa Asya noong 1997, lumaki ang bilang ng nawalan ng trabaho, ngunit ang lingguhang oras-paggawa ay nabawasan sa kababaihan habang tumaas sa kababaihan. Ito’y dahil sa pagtaas ng bilang ng oras-paggawa na isinagawa ng mga kababaihang nakabase sa bahay na nagtatrabaho ng kontraktwal, kung saan kumukuha pa sila ng ikalawa o kahit ikatlong trabaho ng panahong yaon. Ang paglaki ng oras na ginagamit ng kababaihan sa paggawang binabayaran ay nasa ituktok ng kanilang di-bayad na trabahong pambahay, kung saan walong oras bawat araw ang ginugugol nila sa paglilinis at pag-aayos ng bahay at pag-aalaga ng bata, kumpara sa 2.5 oras na ginugugol ng kalalakihan. May mga paglawak din ng karahasan sa bahay at naliligalig ang pamilya dahil na rin sa mga problemang pangkabuhayan. Noong Asian crisis ng 1997, lumaki ang bilang ng karahasan sa kababaihan, lalo na ang prsotitusyon ng kababaihan at kabataan.

ANG HUWAD NA ”STIMULUS PACKAGE” NI GMA

Ang ’solusyon’ ng rehimeng Arroyo ay ang malawakang tulong sa mga mayayaman at pagtindi ng pag-atake at pagsasamantala sa uring manggagawa at maralita. Ang ”economic package” na inihahanda nito ay nakakatulong sa mga kapitalista at sa mga korporasyon sa anyo ng pagbawas sa buwis habang nagbibigay ng maliit lamang na ”pangkabuhayang proyekto” sa manggagawa sa anyo ng mga ”emergency employment opportunities.” Sa inorganisa ng Malakanyang na crisis summit, iminungkahi nito na lumikha lamang ng maiiksing trabaho, tulad ng pagtatanim ng puno, pagwawalis sa kalsada, kabilang pati ang ”proyektong pamamahagi ng mga kambing”. Nakakatawa ang mga mungkahing ito kung itatapat sa malawakang pagdurusang nararanasan ng mga manggagawa dahil sa mga tanggalan at pagliit ng sahod. Ito’y isang huwad na stimulus package, isang taktika lamang ng administrasyon para sa pagbili ng boto sa nalalapit na eleksyong 2010.

Iminumungkahi rin ng pamahalaan ang paggamit ng P12.5 Bilyon mula sa pondo ng SSS para sa stimulus package. Muli, pinipiga nito ang dugo ng manggagawa at isa itong garapal na pagtatangkang pagbayarin ang mga manggagawa sa krisis ng sistema. Iminumungkahi rin ng pamahalaan ang P2 Trilyong ’pamumuhunan’ sa mga proyektong imprastruktura, kung saan ang 70% nito ay mapupunta sa sektor ng transportasyon at enerhiya. Kung pagbabatayan ang malawakang katiwalian at pagnanakaw mula sa malalaking proyektong imprastruktura, ito’y isa na namang malaking ambag kay GMA at sa kanyang mga alipores. Sa kabilang banda, magreresulta ang mga proyektong ito sa demolisyon ng malalaking komunidad ng maralita, at magdudulot ng dagdag na pahirap sa mga maralita ng lunsod.

Samantala, nagpapatuloy ang pagsasapribado ng mga pag-aari ng gobyerno. Ito’y pagpapatuloy ng mga patakarang neo-liberal sa anyo ng malalaking regalong korporasyon sa mga mayayaman at pagpapasidhi ng pagsasamantala at pagdurusa ng uring manggagawa at maralita.

ANG ALTERNATIBA NG PLM

Hindi dapat ipapasan sa mga kababaihan ang krisis ng sistema. Iminumungkahi ng PLM ang isang alternatibong makamasang economic package.

(a) Dapat na magsimula ito sa proteksyon ng trabaho at agarang pagtigil sa tanggalan ng trabaho,

(b) Tunay na paglikha ng trabaho upang pasiglahin ang pambansang konsumo at pagbalik sa normal na kalagayan ng ekonomya,

(c) Muling pagsasaayos ng istruktura ng ekonomya upang kumalawa sa mga neo-liberal na patakarang nakaasa sa pag-eksport ng mga produkto.

(d) Ang plataporma ng PLM ay nananawagan din para sa mga sumusunod na kaugnay na patakaran.

(e) Ang pagsasabansa ng mga bangko at mga institusyong pinansyal sa ilalim ng popular na kontrol upang tiyakin na ang mga pondo ay magagamit sa panlipunang pag-unlad na nakakalikha ng mga trabaho.

(f) Ang mga libreta de bangko ay dapat na buksan; ang matamang pamamahala ng bangko ay dapat na mapatibay, at ang pambansang sistema ng pagbabangko ay dapat na gawing mga institusyon ng serbisyo publiko, kung saan ang mga naipon ng mamamayan ay inilalagak at ginagamit sa kapakanan ng marami.

(g) Ang paglaki ng alokasyon ng badyet para sa gastusing panlipunan. Ang mga prayoridad ay ang seguridad sa trabaho, nakabubuhay na sahod, kalusugan at edukasyon, pabahay, suporta at proteksyon sa mga sektor na impormal.

(h) Para sa mga OFWs, isang agarang panlipunang pondo, na may kalangkap na pagbibigay ng disenteng trabaho at pamamaraan ng kabuhayan.

(i) Ang pagtatakwil sa nakakaperwisyong utang at ang agarang moratorium sa pagbabayad ng utang.

(j) Buwisan ang mayayaman, hindi ang mamamayan. Alisin ang VAT.

(k) Pagwawakas sa digmaan at mga paggastos sa digmaan sa Mindanao, at ang paglilipat ng gastusin sa digmaan tungo sa paglikha ng trabaho.

(l) Para sa mga magsasaka at manggagawang agrikultural, pagpapatupad ng repormang agraryo kasama ang programang lupa para sa walang lupa, kakayahang maglabas na perang agrikultural at ayuda, seguridad sa trabaho at kakayahan sa pamilihan.

(m) Kabayaran para sa mga di bayad na trabaho ng kababaihan sa bahay, tulad ng nakasaad sa saligang batas ng Venezuela.

(n) Pagtiwalag mula sa IMF, World Bank at ADB.

(o) Pagpapatupad ng gender budgeting sa pambansang pang-ekonomya, kabilang ang budgeting sa lahat ng ahensya ng gobyerno, upang tiyakin na makikinabang din ang mga kababaihan sa lahat ng patakarang pang-ekonomya.

Tinitiyak ng mga pamamaraang ito ang muling pamamahagi ng yaman mula sa mga elitista tungo sa uring manggagawa’t maralita. Ngunit tanging ang isang gobyerno ng masa, na may sosyalistang oryentasyon, ang may panlipunang pagkukusa upang ipatupad ang ganitong pamamaraan. Dapat na malagot ng ganitong gobyerno ang sistema ng tiwali at maaksayang pamumuno ng mga elitista at maghandang isulong ang tunay na pagbabago ng sistemang panlipunan. Ang ganitong gobyerno ang pinaninindigan ng PLM.

PARTIDO LAKAS NG MASA
Marso 8, 2009

Danny Lim's statement - PLM Founding Congress

MESSAGE FOR THE PARTIDO LAKAS NG MASA (PLM) ON ITS FOUNDING CONGRESS

Isang maalab na pagbati sa pamunuan at mga kasapi ng Partido Lakas ng Masa (PLM)! Ako’y lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa inyong paanyaya na ako’y magbigay ng maikling mensahe sa okasyon ng inyong kongresong pagtatatag.

Talagang wala nang kabutihang maaasahan pa ang mga mamamayang Pilipino sa mga partido ng trapo na matagal nang naghahari sa ating Pambansang pulitikal na pamumuhay. Dahil sa mga sistemang bulok, sa gitna ng malawakang kahirapan, hindi nabibigyan ng pansin ang hinanaing ng ating mga kababayan. Mistulang nabaon ito kasama ng kaliwa’t kanan at pana-panahong pangakong pag unlad galing sa mga manhid na trapong namumuno na walang malasakit sa nagdarahop na masa. Habang walang sapat na aksyon upang tugunan ang kawalan ng bawat Pilipino, patuloy naman ang pagpapasasa at pagpapayaman ng mga namumuno bunga ng korupsyon, imbes na pangalagaan at itaguyod ang kapakanan,sigaw para sa katarungan at karapatan ng mas nakararaming Pilipino. Hindi tama na ang iilan ang naghahari habang ang karamihan na siyang dapat na may hawak ng tunay na poder ng kapangyarihan sa isang demokratikong lipunan ay mistulang mga alipin!

Napapanahon ang pagtatatag ng isang partidong pulitikal na tunay na kakatawan at ipaglalaban ang interes ng mas nakararaming masang Pilipino. Ako ay nakikiisa sa inyong magandang hangarin at adhikain upang makamtan natin ang tunay at makabuluhang pambansang pagbabago. Naniniwala ako na ang lakas ng isang partido ay nagmumula sa kanyang mga kasapi at wala nang mas lalakas pa sa nagkakaisang masang Pilipino. Ang pagsasama-sama ay kailangan upang mapigilan natin ang patuloy na pagkalugmok ng ating bayan sa mala-kumunoy na kahirapan at tuldukan na rin ang walang habas na pananamantala ng huwad at korap na liderato ng mga trapo. Ang ganitong pagbubuklod-buklod ay isang napakagandang paraan at simulain tungo sa ating inasam-asam na mas magandang kinabukasan hindi lamang para sa atin kundi para na rin sa mga susunod pang henerasyon. Angkop lamang na ituring natin ang PLM na partido ng pagbabago at partido ng ating panahon dahil eto, sa aking pananaw, ay mag sisilbing inspirasyon at behikulo para sa mga makahulugang reporma. Ang pagkaka tatag ng PLM ay isang napakalaking hakbang tungo sa tama at nararapat na Pambansang landas.

Ibalik natin sa ating mga kababayan ang pagasa at tiwala. Palakasin natin ang kakayahan ng mga organisasyong masa na bumubuo ng PLM. Magkaisa tayo para maitaguyod ang mga repormang matagal nang hinahangad ng ating mga maralitang Kababayan. Magtulungan at magsama-sama tayo para magka tutoo ang ating matagal nang minimithing pagbabago, pagunlad, at kaayusan. Magkapit-bisig tayo para salubungin ang pagdating ng isang Bagong Umaga. Kasama ninyo ako!


Para sa Bansa!

BGEN DANNY LIM AFP

PLM G20 Statement

New Philippine Party Stands in Solidarity with the G20 Protestors

Not a centavo to the banks!
Funds for retrenched workers and the unemployed!
A stimulus package to save and create jobs!

The Partido Lakas ng Masa (PLM), a new party of and for the masses in the Philippines, stands in solidarity with the demands and sentiments of those protesting in London outside the G20 summit.

“We not only understand their sentiments, we share their sentiments, as well as their anger against a system which has supported greedy and essentially corrupt bankers and financiers, who have raked millions and billions in profits at the expense of the working people and the poor. They have been so greedy and corrupt that they have undermined the very system that benefited them”, said Sonny Melencio, Chairperson of Partido Lakas ng Masa.

“We also note the huge protests over the last few months in France, where millions of working people joined two general strikes in January and February. People in Europe have also brought down governments in Iceland and the Czech Republic. There is now a global movement against the policies of bank bailouts and even against the capitalist system. This movement represents the people against the bankers and their greed for profits. It’s essentially also about people saying, that we, the ordinary people, shouldn’t have to pay for the crisis of the system.”

“In the coming months, we too will be mobilising the working people, those retrenched, the students and other sectors of the poor against the bogus stimulus package of the GMA regime, against layoffs and the government’s attempts to make the poor pay for the crisis. We will also be carrying this message for the 2010 elections and will be running candidates at all levels, local to national, as a part of a Third Force alternative against trapo and elite rule and for system change.”

Pahayag ng BMP-PLM - Araw ni Bonifacio

Pahayag ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)
At Partido Lakas ng Masa (PLM) sa
Araw ni Bonifacio, Nobyembre 30, 2008

WAKASAN ANG KAHIRAPAN!
WAKASAN ANG PAGHAHARI NG IILAN!
ISULONG ANG SOSYALISMO!

Ngayong Nobyembre 30 ang dakilang araw ni Bonifacio, ang bayani ng uring manggagawa. Taun-taon ay ginugunita natin ito, subalit ang darating na Nobyembre 30 ay naiiba dahil:

(a) Pagkatapos ng 78 taon, nagaganap na muli ang pandaigdigang krisis ng kapitalismo na nagbabadyang tumungo sa depresyon na gaya noong 1930s. Ang sentro ng krisis ay ang sentro ng kapitalismo sa mundo, ang United States. Subalit sumaklaw na ito sa Europa, Japan, at lahat ng mauunlad na kapitalistang bayan. Sasabayan na rin ito ng napipintong paglagapak ng mga ekonomya ng Third World, gaya ng Pilipinas.

(b) Habang tumitindi ang krisis, nagbabangon ang ispirito ng sosyalismo sa maraming parte ng daigdig. Ang sentro nito ay nasa Latin Amerika, kung saan sunud-sunod na nakaupo sa pwesto ang mga manggagawa at maka-manggagawang lider ng gobyerno sa iba’t ibang bayan, gaya ng Venezuela, Bolivia, Uruguay, Paraguay, Nicaragua, at sa matagal na pahon, sa sosyalistang bayan ng Cuba.

Ang krisis ay tutungo sa Depresyon

Sa maagang panahon, ang resesyon na nagaganap ngayon ay tutungo sa matinding depresyon. Hindi na lamang ito katatangian ng pagsasara ng mga bangko at mga financial institutions, kundi ng mga pabrika at lahat ng industriya. Hindi na lamang ito magbubunga ng pagkalusaw ng mga salapi o stocks sa stockmarkets, kundi ng pagkalusaw ng natitirang trabaho ng mga manggagawa.

Magiging kasintindi ito ng Great Depression ng 1930s. Isang depresyon na lumaganap din sa buong mundo, at naging dahilan ng pag-akyat sa kapangyarihan ng mga pasistang gobyerno sa Germany, Italy at Japan. Binuksan nito ang kondisyon sa pagsambulat ng Second World War, kung saan nagkumahog ang mga pasistang bayan na paghati-hatian ang mundo at saklutin ang natitirang yaman ng daigdig.

Kung tatlong taon ang inabot noon (1930-1933) bago ganap na bumulusok ang kapitalismo sa daigdig, malamang na ngayon, magaganap ito sa mas maikling panahon. Ang malawakang resesyon ay tiyak na tutungo sa matinding depresyon sa 2010.

Epekto sa Pilipinas at mga senaryo

Sa Pilipinas, ang depresyon ay magbubunga ng pagsasara pa ng mga natitirang pabrika. Ang maiiwang nakatayo na lamang ay ang mga dambuhalang monopolyo. Matatanggal sa trabaho ang maraming OFWs at marami ang lilikas pabalik sa bansa.

Ang krisis sa ekonomiya ay sasabayan din ng krisis sa pulitika. Magiging mas mabangis ang away ng mga trapong nasa poder at ng mga nasa oposisyon dahil magkukumahog ang bawat isa na kopohin ang natitirang yaman ng bayan na nakatipon pa sa gobyerno.

Sa tindi ng krisis, malamang na hindi matuloy ang eleksyong 2010 sa Pilipinas. Tatlong senaryo ang maaaring maganap kung hindi matutuloy ang halalan:

(a) Una, gagamitin ni Gloria ang krisis para isulong ang kanyang ambisyon na manatili sa poder sa pamamagitan ng isang Cha-Cha.
(b) Ikalawa, maglulunsad ng kudeta ang iba pang mga trapo na gustong pumalit kay Gloria. Ngayon pa lang, nag-aabang na sa poder ang mga gaya nina Senador Ping Lacson at dating pangulong FVR.
(c) Ikatlo, mauunang tumindi ang ngitngit ng masa at maglulunsad sila ng panibagong pag-aalsa o Edsa na magbabagsak sa gobyerno ni Gloria.

Sa mga senaryong ito, ang ikatlo ang gusto nating mangyari. Kaya ngayon pa lang, dapat nating tiyakin na ang pag-aalsa ay hindi mauuwi na naman sa pakinabang ng mga bagong trapo, gaya nang nangyari noong Edsa 1 at Edsa 2.

Walang solusyon sa krisis ang kapitalismo

Ang krisis ay patunay lamang na bigo ang neo-liberal na “globalisasyon” – at ang mga patakaran nito ng liberalisasyon, privatization at deregulasyon – bilang paraan ng pagbuhay sa ekonomiya ng daigdig. Sa halip, isinadlak nito ang buong mundo sa isang matinding krisis.

Pero anuman ang gawin ng kapitalismo, ibasura man ang neo-liberalismo at ipatupad ang regulasyon, hindi mapatitigil ang pagbulusok ng ekonomiya gaya nang naganap noong Depresyon ng 1930s. Lahat ng solusyong ipatutupad ng mga kapitalistang bayan ay mananatiling pantapal lamang sa tunay na ugat ng krisis.

Ugat ng Krisis

Ang ugat ng krisis ay ang kasibaan ng kapitalismo sa tubo. Tubo na nagmumula sa pagpiga sa mga manggagawa sa anyo ng maliit na sweldo at mahabang oras ng trabaho. Tubo na mapapalaki lamang kung mananatiling mababa ang sweldo ng nagtatrabaho at marami ang walang empleyo.

Kaya ang krisis ay nagkakaanyo, hindi ng kasalatan, kundi ng sobrang produksyon ng mga produktong pang-konsumo. Sobrang produksyon dahil habang marami ang nalilikha ng mga pabrika, maliit ang kakayahan ng mga manggagawa na bilhin ang sarili nilang ginawa. Sobra-sobra ang pagkain, ang kasuotan, ang sasakyan, ang medisina, ang mga gusali at sangkap sa pagtatayo ng tirahan. Sapat-sapat para ipagkaloob ang pangangailangan ng bawat tao sa mundo. Pero hindi ito mapasakamay ng mga tao, dahil ito’y pag-aari ng mga kapitalista at ipamamahagi lamang kapalit ng pera at tubo.

Ang tanging solusyon: Sosyalismo

May solusyon sa krisis. Pero labas ito sa balangkas ng kapitalismo na lumilikha ng kalakal para lamang pagtubuan. Isang sistema na nakapundar sa pagmamay-ari ng iilan sa yaman ng lipunan.

Ang sosyalismo ay isang sistema na ang yaman ay ipamamahagi sa lahat ng mga tao, nang pantay-pantay. Isang sistema na gagawa ng kalakal, hindi para tumubo, kundi para tugunan ang pangangailangan ng tao. Isang sistema na lahat ay magkakaroon ng trabaho, hindi para pagsamantalahan ng kapitalista, kundi para mag-ambag ang bawat isa sa kaban ng yaman na paghahatian ng lahat.

Ito ang unti-unting ginagawa ngayon ng mga sosyalistang gobyerno sa Latin Amerika. Ang yaman ay ipinamumudmod sa mga proyektong nagbibigay ng trabaho, libreng edukasyon, libreng gamot at medisina, disenteng pabahay, at iba’t iba pa. Ito ang sistemang winawasak ang kapangyarihan ng mga trapo at mayayamang angkan, at inilalagay sa kapangyarihan ang masang mahihirap.

Nobyembre 30

Kaya ngayong Nobyembre 30, alalahanin natin na hindi pa tapos ang laban ni Bonifacio. Ang patuloy na pandarambong ng mga dayuhan at ng mga naghaharing uri na Pilipino ay sumisira sa ating kabuhayan at kinabukasan bilang bansa at bilang uri.

Kasabay nito, salubungin natin sa Nobyembre ang pagkakatayo ng bagong partido na magtitipon ng lakas ng masa (manggagawa at mga maralita sa lungsod at kanayunan) para ipagpatuloy ang laban ni Bonifacio. Ang sinaklot na rebolusyon nila Bonifacio ay isusulong natin hanggang maitayo ang tunay na republika sa ilalim ng uring manggagawa at mga anakpawis sa Pilipinas at sa buong mundo.

Wakasan ang Kapitalismo! Isulong ang Sosyalismo!
Ibagsak ang kapitalistang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo!
Itayo ang Gobyerno ng Manggagawa at mga Anakpawis!


Statement on the Global Economic Crisis

Draft for discussion
Partido Lakas ng Masa: Statement on the Global Economic Crisis

The global economic and financial crisis has worsened and accelerated in the past few months. The initial epicentre of the crisis was in the United States but the crisis is now a global crisis which is affecting the entire international financial system and is increasingly asserting itself in the spheres of production. The financial crisis has transformed the deceleration of the global economy into a declared recession. The crisis is having a severe impact on Europe, as well as Asia. The wild swings in the Asian financial markets in response to the events in the US have shattered the myth that the Asian economies are ‘decoupled’ from the US economy.

The instability in the global financial markets, the rise in inflation and the rise in commodity prices such as food and oil indicate that the neoliberal program has failed and the main pillars of the neoliberal capitalist economic order are breaking up. The current crisis heralds the ideological defeat of neo-liberalism.

The massive state intervention seen in the last few months, of nationalisation and financial bailouts to save the skins of the capitalist class at the expense of massive public indebtedness of working people and the poor, has as yet not been able to stop the slide. The capitalist governments, through the big-business media, have promoted a panic scenario aimed at blackmailing the population to accept the swindle of nationalisation of the losses or ‘toxic mortgages’ and the handouts to the bankers as economic ‘relief’ for the people. Meanwhile we are also seeing a rapid increase in corporate acquisitions leading to a new round of unprecedented levels of capital concentration. It is yet to be seen if the measures taken by the capitalist governments will be able to reduce or aggravate the collapse.

The deregulation of the finance sector has been blamed for the current crisis and there have been calls for increased regulation. But deregulation was not the whim of individual governments. It was generalised as a mechanism to increase profit levels. Those putting forward the panacea of regulation as solutions to the crisis (Stiglitz, Sorros, Krugman, et al) imply that the bankers are the culprits and are a peculiar form of evil and speculative capitalists lurking in the margins of what should be ‘good’ productive capitalism. But speculation is inherent in the functioning of capitalism and the bankers have acted in unison with the industrialists.

If the current restructuring the capitalist system continues down the same road, there will be enormous productive and social costs and the already fragile sustainability of the environment may suffer even more damage and the consequences of their ‘solutions’ will be truly horrendous.

The need to reform the international economic and financial structure is today unavoidable. But ultimately the solution to the crisis is political and not economic. We need to put forward and struggle for solutions that challenge and ultimately defeat the capitalist system which is the source of the crisis. This requires us to find a post-capitalist solution to the crisis, i.e., a socialist alternative for the Twenty First Century.

As Marxists we understand that economic crisis are a consistent feature of the capitalist system and are rooted in the major contradictions underlying capitalism: the contradiction between imperialism and underdevelopment; of capital and labor. This global crisis today also has a crucial environmental dimension: that of climate change and global warming. Marxists have also predicted that in its attempt to solve these periodic crisis, capitalism deepens these contradictions and raises them to a higher level, thus paving the way for deeper and sharper crisis the next time round.

The particular features of this crisis include a massive expansion in ‘fictitious’ capital and the indebtedness of working people especially in the US; industrial overproduction; and a rapid increase in commodity prices such as food and oil.

Over the past 30 years the frequency of bursting financial bubbles has increased as we have experienced the biggest ever festival of ‘fictitious’ capital in the history of capitalism. When firms invest in purely financial assets they are deciding to invest in “claims” on new value and profit. This sort of investment in itself adds nothing to the mass of value added, although it does help the firms issuing shares or bonds to finance investment in production. Conventional economics blurs this distinction but for socialist thinkers Karl Marx and Frederick Engels, it was central to understanding financial crises and the boom-bust cycle of capitalism. They called these claims on future profit—what the finance industry calls "financial instruments"—fictitious capital.

But beneath this excess of fictitious capital, real profits began to dry up as mortgage defaults on sub-prime loans began to rise. Another reality expressed by Karl Marx was coming into play: "The ultimate reason for all real crises always remains the poverty and restricted consumption of the masses as opposed to the drive of capitalist production to develop the productive forces as though only the absolute consuming power of society constituted their limit." Credit, especially home mortgages, had extended "the restricted consumption of the masses" for a while, but increasingly the credit could not be repaid, undermining the value of all financial instruments based on it.

The current cycle of over-production is based on the expansion of productivity and production and the decline in purchasing power. This surplus in production was fed primarily by Asia, as Asian commodities flooded the world.

The prospects of the Asian economies picking up the slack look weaker. Japan’s economy continues to slide into even deeper recession. As for the rest of Asia, due to its heavy reliance on the US, Europe and Japan for its major export markets, slower growth and recession in the G3 will spill over into the Asian economies. Aggregate GDP growth in Southeast Asia is now expected to decelerate in 2008 and into 2009 and inflation forecasts are the highest in a decade. The risks of a second Asian crisis loom in the horizon.

There has been much discussion about the prospect of China counteracting the world deceleration with the expansion of its internal market. Some economists put forward this possibility, while others rule it out, pointing to the dependence of the Chinese market on the US market. They also point out that if China is to develop its national market it will need time to do this, perhaps in the context of a moderate brake on global economic activity, and not the abrupt recession we are witnessing today.

Philippines

There is a further crisis of legitimacy for the elite and the manager of their system who are completely tied to the neo-liberal economic model. The crisis has been brought about by the rapacious character of the ruling elite who want to continue their monopoly of political and economic power as the only way to amass capital.

The infighting among the elite for control of limited resources and spoils at a time of lingering economic crisis fuels the political instability of the system. The economic crisis will definitely deepen the divide among the elite factions, while it broadens the poor’s dissatisfaction with the elite-controlled government.

The National Economic and Development Authority has announced that the Philippines export growth will be cut down to zero in 2009 as a result of the global financial meltdown. The grim forecast comes in the wake of negative growth posted by the country’s main exports, electronics and garments, in the past few months. Despite assurances from government economic pundit, the Philippines expected growth rates (GDP and GNP) this year and in 2009 are being downgraded by various independent business groups today.

The Philippine Exporters Confederation has noted that the recession in the United States and Europe has significantly affected Philippine exports. The US is the top destination of Philippine products, followed by Japan, China, and Europe in that order.

Massive withdrawals of portfolio investments from the Philippines have been noted the last few weeks. An official of the Bank of Philippine Islands has commented that while inflation is now becoming a secondary concern as a result of the world oil price softening, there is grave concern among investors in the country’s slowdown in economic activity.

The economic doldrums have already set in. Major factory closures—including Intel, one of the largest semiconductors firm, and Franklin Baker, one of the oldest company in the country—are being announced as smaller businesses have already closed shops in the past months.

With recession in the advanced capitalist countries, there will be less demand for Overseas Filipino Workers. The OFWs are expected to lose their jobs or face further reduction in wages. This situation, combined with an increase in food and other commodity prices in countries where they work, will translate in a reduction of remittances to the Philippines which have been bolstering consumption spending in the Philippines since the overseas bonanza. Expect a more severe depression that wil hit the country in the next few months.

But despite the severity of the problems facing global capitalism today, there is no inevitability about the ‘automatic’ collapse of the system. It would be a dangerous illusion to think that capitalism will simply collapse and that a socialist alternative will take its place. The capitalist system is still extremely resilient. Previous forecasts of its inevitable collapse have simply never materialised and have been proven to be wrong. The system will struggle to survive and keep itself alive – at whatever cost.

Social movements alone, struggling around particular issues, are inadequate to face the challenge and defend working people and the poor against their assaults. We need to build political movements, which struggle for power and a socialist alternative, such as the advanced movements in Latin America today.

We must put forward a series of demands which point in the direction of system change leading towards a transitional socialist alternative, based on national policies that give priority to social spending, and to protecting productive and natural resources.

This includes:

(a) The nationalization of banks and the financial institutions under popular to ensure that the funds are used not for profits but to fund social development that creates jobs. The nationalization of banks, not its continued privatization, is the only step forward to prevent the collapse of the banking system and the entire economy.

(b) The banks’ books must be opened; bank oversight must be strengthened as must the mechanisms of strict regulation which make the real situation of national banking systems transparent for they are public service institutions into which the populations’ savings are deposited.

(c) Massive increase in budgetary allocations for social spending. Priorities are employment security, a living wage, public health and education, housing.

(d) The repudiation of public debt and an immediate moratorium on debt payment.

(e) An end to the war and the war spending in Mindanao and the shifting of the war money towards productive endeavour and job creation.

(f) For the migrant, an immediate social fund to be set up with a plan that includes giving them decent jobs and means of livelihood, decent wages, and substantial welfare projects that provide for the needs of public health, education and housing.

(g) For farmers and agricultural workers, implementation of genuine agrarian reforms that include a land-to-the tillers program, access to agricultural credit and assistance, job security and market access.

(h) Withdrawal from the IMF, World Bank and the ADB.

(i) Lastly, the installation of a government that can effectively carry out the necessary reforms lined up above—a government composed and run by the toiling masses themselves.

PLM Statement on Gaza and Palestine

We Are All Palestinians! Stop Israel’s Genocidal War
& Occupation of the Gaza & Palestine!

The Partido Lakas ng Masa, Philippines, adds its voice to the international outrage and condemnation of the Israeli assault and now the ground assault of Israeli troops against a defenceless Palestinian people in the Gaza strip and stands as one with Hamas, the legitimate government of the Palestinian people in Gaza. In opposition to the brutal Israeli attack on Gaza we say: “We Are All Palestinians!”

At the same time we also draw attention to and condemn the backing of US imperialism for the Israeli state and US support for the current Israeli occupation and bombardment of Gaza. Without the support of world imperialism, and especially the support of the US, Israel cannot get away with such genocidal actions against the Palestinian population and continue to survive. We condemn the US and the Bush Administration support, as well as the US Congress vote in support of Israel‘s most recent assault and occupation of Gaza.

In the same breadth we oppose any suggestion that Hamas is in any way equally responsible for the events unfolding. Hamas is a legitimate liberation movement struggling against the Israeli occupier and aggressor. Any condemnation and demands to end the war must be directed at Israel. The ‘blame’ lies with the brutal Israeli occupation and aggression and not with the liberation movement fighting to free the Palestinian people.

We demand:

- Israeli troops out of Gaza now!
- Israel immediately halts the bombardment of Gaza!
- An immediate arms embargo against Israel!
- We call on the Philippines government to immediately freeze all diplomatic relations with Israel!

We also support calls for an international boycott of Israeli products and sanctions against Israeli investments. For example, we support the international campaign against Motorola and its fully-owned subsidiary Motorola Israel, to end its production and sales of all communications devices to the Israeli military, including all radar detection devices.

Ultimately, we stand by our principled support for a free, democratic and secular Palestine.

Saligang Batas ng PLM

SALIGANG BATAS NG PARTIDO LAKAS NG MASA
(PLM)

Preambulo

Ang Partido Lakas ng Masa ay isang partido pampulitika ng manggagawa at masang Pilipino na lumalaban para sa pagbubuo ng sosyalistang lipunan na makatao, walang pagsasamantala, walang pang-aapi, nakabatay sa sustainable development, at kung saan ang yaman ng lipunan ay pantay-pantay na pinaghahatian ng lahat. Isang lipunan na titiyak na anumang kasaganaan at pag-unlad ng lipunan ay maisasalin sa kasaganaan at pag-unlad ng bawat indibidwal, at kung saan ang indibidwal ay nahuhubog bilang mapagpasyang pwersa sa lipunang pagbabago.

Ang PLM ay naniniwala na ang lipunang ito ay ipupundar sa tunay na pag-unlad ng sangkatauhan, hindi gaya ng kasalukuyang kapitalistang lipunan na pinaghaharian ng iilan at pinatatakbo para sa kasaganaan lamang ng iilan.

Ang Partido Lakas ng Masa ay naninindigan na dapat tanganan ng masa ang kapangyarihang pampulitika, ang buong gobyerno at ang lahat ng ahensya ng estado, para ganap na maisakatuparan ang minimithing layunin ng bagong lipunan.

Ang Partido Lakas ng Masa ay kikilos para sa pagtatayo ng internasyonal na pagkakapatiran ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahang pwersa tungo sa pagwawakas ng imperyalistang pagsasamantala at pang-aapi at pagtatatag ng pantay na ugnayan ng mga bansa at pagkakapatiran ng masa sa buong mundo.

Artikulo 1
Pangalan at Bandila

Seksyon 1. Ang pangalan ng ating partido ay Partido Lakas ng Masa at maaari rin tawaging PLM.

Seksyon 2. Ang bandila ng ating partido ay ang tri-color flag na iwinagayway ng bayaning si Gen. Gregorio del Pilar noong 1897 at noong huling tindig laban sa mananakop na pwersang Amerikano sa Tirad Pass, Ilocos Sur. Ang pula sa itaas ng bandila ay sagisag ng rebolusyon laban sa kolonyalistang Espanyol; ang itim sa ibaba ay hango sa naunang rebolusyonaryong bandila na ginamit ni Gen. Mariano Llanera, at ang bughaw na trianggulo ay simbolo ng pakikiisa sa nagaganap ding rebolusyon sa Cuba laban sa mga Kastila. Ang bandila ay sagisag ngayon ng pagpapatuloy ng pakikibaka sa dayuhan at lokal na pang-aapi at pakikiisa sa internasyonal na adhikain ng masa para sa kalayaan, katarungan at pagkakapantay-pantay.

Artikulo 2
Kasapian

Seksyon 1. Pagsapi. Sinumang indibidwal na nananalig sa layunin ng PLM at tinatanggap ang Saligang Batas nito ay maaaring maging kasapi ng PLM. Ang mga organisasyong masa ay maaaring magpahayag ng pagsuporta sa PLM o mag-affiliate bilang kasaping organisasyon sa pamamagitan ng kapasyahan ng kanilang opisyal na liderato. Gayunman, hinihikayat ang bawat kasapi ng mga affiliate organizations na indibidwal na pumaloob sa PLM.

Seksyon 2. Pamantayan. Ang mga kasapi ng PLM ay dapat kumilos bilang mga lider ng masa. Dapat nilang ipauna ang interes ng masa at maging magalang at may pag-aalala sa kapakanan ng mahihirap na seksyon ng lipunan. Ang mga kasapi ay dapat magturingang magkakasama sa loob ng organisasyon.

Seksyon 3. Ang aplikasyon para sa pagsapi ng indibidwal ay dapat may rekomendasyon ng isang kasapi ng PLM na may magandang rekord sa partido.

Seksyon 4. Mga karapatan ng kasapi. Ang mga kasapi ay mayroong sumusunod na mga karapatan:

(a) Lahat ng mahahalal o mapipiling delegado sa Kongreso ay may karapatang bomoto, kumandidato at mahalal sa anumang posisyon.

(b) Lahat ng kasapi ay may karapatang lumahok at magbigay ng opinyon o posisyon sa mga talakayan at debate sa loob ng partido.

(c) Lahat ng kasapi ay may karapatang magpaabot ng mga panukala sa PLM, sa mga organisasyong kasapi nito, at mga puna sa sinumang kasapi, pamunuan at kapulungan ng PLM.

(d) Lahat ng kasapi ay may karapatang alamin ang kalagayan ng organisasyon, gaya ng kasalukuyang bilang ng kasapian, katayuang pinansyal at iba pa.

(e) Ang sinumang kasaping indibidwal ay maaaring magbitiw bilang kasapi pagkatapos pormal na maipaabot sa kaukulang kapulungan ang mga kadahilanan ng kanyang pagbibitiw.

Seksyon 5. Mga obligasyon ng kasapi. Ang lahat ng kasapi ay may mga sumusunod na obligasyon:

(a) Dumalo sa mga pulong na ipatatawag ng PLM.

(b) Lahat ng kasapi ay may obligasyong dumalo sa mga pag-aaral ng mga kursong pinagpasyahan ng Konseho Sentral (Central Council) ng PLM.

(c) Lahat ng kasapi ay may obligasyong magbayad ng isahang-beses na joining fee at buwanang butaw para sa pondo ng organisasyon. Ang halaga ay itatakda ng Konseho Sentral ng PLM at mag-iiba-iba sang-ayon sa katayuang pinansyal ng kasapi. Maaaring lumiban sa pagbabayad ng butaw sang-ayon sa dahilang kikilalanin ng Konseho Sentral. Ang mga myembro ng kasaping organisasyon ng PLM ay hihikayating magbayad ng butaw bilang indibidwal.

(d) Lahat ng kasapi ay may obligasyong lumahok sa lahat ng napagtibay na pagkilos o panawagan ng PLM.

(e) Lahat ng kasapi ay may obligasyong magpropaganda para sa PLM at magrekrut ng mga bagong kasapi ng PLM.

Seksyon 6. Karapatan at obligasyon ng mga affiliate organizations. Ang karapatan at obligasyon sa partido ay nakabatay sa batayang indibidwal. Gayunman, hinihikayat ang mga affiliate organizations na sundin at ipatupad ang mga kapasyahan ng partido. Gayundin, ang sinumang affiliate organizations ay maaaring tumiwalag bilang affiliates pagkatapos pormal na maipaabot sa Konsehong Tagapagpaganap o sa mga awtorisadong sentro sa panrehiyong antas ang mga kadahilan ng kanilang pagtiwalag.

Artikulo 3
Pambansang Kongreso

Seksyon 1. Ang pinakamataas na kapangyarihan ay ang Pambansang Kongreso na idaraos tuwing ikatlong taon. Ito ay binubuo ng mga delegado mula sa mga lokal na sangay, mga piling indibidwal, at mga piling affiliate organizations. Ang pormula sa bilang ng mga delegado ay pagpapasyahan ng Konseho Sentral ng partido.

Seksyon 2. Ang Pambansang Kongreso ang magpapatibay ng pangkalahatang programa at mga patakaran, mag-aamyenda sa Saligang Batas, at maghahalal ng mga kagawad ng Konseho Sentral. Ihahalal din ng Pambansang Kongreso ang Tagapangulo ng PLM.

Seksyon 3. Ang Ispesyal na Pambansang Kongreso ay maaaring idaos kung kinakailangan. Ang pagdaraos nito ay maaaring ipatawag ng mayorya ng Konseho Sentral o ng mayorya ng mga kasaping organisasyon at indibidwal.

Artikulo 4
Konseho Sentral

Seksyon 1. Ang Konseho Sentral (KS) ang pinakamataas na awtoridad sa pagitan ng mga Kongreso. Binubuo ito ng 31 mga halal na kagawad ng Pambansang Kongreso.

Seksyon 2. Ang Konseho Sentral ang maghahalal sa mga kagawad ng Konsehong Tagapagpaganap (KT).

Seksyon 3. Ang Konseho Sentral (KS) ay maaaring bumuo ng mga komite at kagawaran na kailangan paras a pagpapatupad ng pangkalahatang programa at mga patakaran ng Kongreso.

Seksyon 4. Ang Konseho Sentral ay may tungkuling:

a. Gumawa ng mga kailangang desisyon at patakaran kaugnay ng napagtibay na programa ng Kongreso.
b. Magtakda ng ispisikong mga target bawat larangan ng trabahong kailangan para sa pagpapatupad ng programa.
c. Gumawa ng plano kada 1 taon ng tatlong-taong programa.

Seksyon 5. Ang Konseho Sentral ay magpupulong nang hindi bababa sa isang beses bawat anim na buwan. Maaaring ipatawag ang ispesyal na pulong ng Konseho Sentral sa pamamagitan ng Konsehong Tagapagpaganap o petisyon ng mayorya ng mga kasapi ng Konseho Sentral.

Seksyon 6. Ang Konseho Sentral ay may kapangyarihang humirang ng mga dagdag na kasapi ng KT at KS o humirang ng mga posisyong honorary (batay sa merito ng indibidwal, nang walang kapangyarihang organisasyonal) sa pagitan ng mga itinakdang Pambansang Kongreso.

Artikulo 5
Konsehong Tagapagpaganap

Seksyon 1. Ang Konsehong Tagapagpaganap (KT) ang pinakamataas na konseho sa pagitan ng pulong ng Konseho Sentral. Ang KT ay may sentral na tungkuling ipatupad ang lahat ng desisyon, plano at programa ng Konseho Sentral. Kaakibat ng tungkuling ito ay ang karapatang magdesisyon sa lahat ng usaping may kaugnayan sa pagpapatupad ng mga desisyon ng Konseho Sentral. Ang bilang kasapi ng KT ay pagpapasyahan ng Komite Sentral.

Artikulo 6
Asembleya at Balangay sa Rehiyon, Probinsya,
Munisipalidad/Syudad at mga Lokalidad

Seksyon 1. Ipatatawag ang mga asembleya sa antas ng rehiyon, probinsya, munisipalidad/syudad, at mga lokalidad (komunidad, pabrika, o mga kampus) para buuin ang mga balangay ng PLM sa nasabing mga erya.

Seksyon 2. Ihahalal ng mga asembleya ang mga Konseho ng Masa na mangangasiwa sa araw-araw na pagpapatakbo ng partido sa kanilang nasasakupang erya.

Artikulo 7
Gawaing Elektoral at Parliamento

Seksyon 1. Ang layunin ng gawaing parliamento ay para isulong ang adhikain ng partido at ng kilusang masa. Ang kampanyang elektoral o anumang gawaing parliamentaryo ay dapat nakapailalim sa mga layunin at gawain ng pakikibakang masa sa labas ng parliamento. Mahalagang layunin ng gawaing elektoral at parliamento ngayon ang pag-uk-ok hanggang pagbabagsak sa kapangyarihang trapo sa lokal at pambansang antas.

Seksyon 2. Ang Tagapangulo ng PLM ay hindi maaaring tumakbo sa anumang pwesto sa panahon ng halalan. Ang iba pang kagawad ng Konsehong Tagapagpaganap ay maaaring tumakbo sa halalan, subalit kailangang magbitiw sa kanilang pwesto bago mag-umpisa ang campaign period sa halalan. Ang kanilang kapalit ay magmumula sa mga kagawad ng Konseho Sentral o sinumang hihirangin ng Konseho Sentral mula sa mga kasapi ng PLM.

Seksyon 3. Maaaring magpasya ang Pambansang Kongreso ng PLM na humirang ng kanyang standard-bearer sa pambansang halalan na labas sa namumunong liderato ng organisasyon. Ang standard-bearer na ito ay magkakaroon ng posisyong honorary (posisyong kumikilala sa merito ng indibidwal habang hindi gumagampan ng normal na mga tungkulin sa loob ng organisasyon).

Seksyon 4. Ang mga patatakbuhing kandidato sa pambansang antas ay pagpapasyahan ng Pambansang Kongreso o Ispesyal na Kombensyon ng Partido. Labas dito, ang mga kandidato sa pangdistrito, pangprobinsya, pangsyudad, pangmunisipalidad na antas, at maging mga kandidato ng party-list, ay pagpapasyahan ng Komiteng Tagapagpaganap ng PLM matapos ang masusing konsultasyon at diskusyon sa mga karampatang organo ng partido. Kung kinakailangan, ipatatawag ang mga ispesyal na kapulungan sa lokal para pagpasyahan ang mga lokal na kandidato.

Artikulo 8
Mga Kagawaran at Komite

Seksyon 1. Ang sumusunod ang mga pangunahing kagawaran at komite ng PLM:

(a) Kagawaran sa Organisasyon. Mangangasiwa sa mga balangay ng PLM at bubuo ng mga plano para sa pagpapalawak ng organisasyon.

(b) Kagawaran sa Edukasyon at Propaganda. Mangangasiwa sa gawaing edukasyon at propaganda, sa paglalabas ng pahayagan ng partido at pagpapatakbo ng iba pang proyektong pampropaganda, gaya ng radyo.

(c) Kagawaran sa Kampanya. Mangangasiwa sa gawaing kampanya ng partido, kabilang ang operasyon ng QRF at iba pa.

(d) Komite sa Parliamentaryong Gawain. Mangangasiwa sa gawaing elektoral at parliamentaryo ng partido. Pangunahing bubuuin ng mga kasaping nahalal sa parliamento at mga lokal na yunit ng gobyerno, kabilang ang mga nominees sa party-list.

(e) Komite sa Gawaing Internasyonal. Mangangasiwa sa gawaing internasyonal ng partido, sa pagbubuo at pagbubukas ng relasyon sa iba pang mga sosyalista at rebolusyonaryong partido sa labas ng bansa, at sa pagmumungkahi ng mga kinatawan ng partido sa mga internasyonal na komperensya at aktibidad.

(f) Komite sa Pananalapi. Mangangasiwa sa gawaing pananalapi ng partido. Magbubuo ng plano para sa pagkalap ng butaw, pledges, at iba pang proyekto sa pananalapi ng partido.

Artikulo 9
Prinsipyong Pang-organisasyon at Panuntunang Pandisiplina

Seksyon 1. Ang demokratikong sentralismo ang prinsipyong pang-organisasyon na gagabay sa partido. Nilalaman nito ang mga sumusunod:

(a) Prinsipyo ng halalan, pananagutan, at pag-alis sa posisyon (recall) ng mga halal na pinuno sa pamamagitan ng mayoryang boto sa karampatang kongreso o asembleya na kinapapalooban ng tinatanggal na pinuno.

(b) Pagkilala sa mga kapasyahan ng mga kasaping lokal na organisasyon at awtonomiya nito sa sentro sa usapin ng mga lokal na kampanya at regular na paghahalal ng mga lokal na opisyal ng partido.

(c) Pagkilala sa karapatan sa pag-iral at kalayaan sa pagpapahayag ng minorya sa loob ng organisasyon.

a. Kalayaan sa pagpuna at pakikipagdebate sa panahong nagpapasya o gumagawa ng desisyon ang partido.

b. Pagkakaisa sa pagkilos pagkatapos na makapagpasya ang mayorya.

Artikulo 10
Pananalapi

Seksyon 1. Ang pananalapi ng PLM ay magmumula sa buwanang butaw ng mga kasapi, donasyon, at mga proyektong pampinansya na ilulunsad ng partido.

Seksyon 2. Ang mga donasyon at kontribusyon ay tatanggapin ng PLM kung hindi makasasama sa integridad ng partido, mga namumunong kapulungan at kasapian, at di makaiimpluwensya sa mga programa, patakaran at mga proyekto ng PLM.

Seksyon 3. Obligasyon ng mga kasapi na suportahan ang lahat ng mga proyekto sa pagpapasulpot ng pinansya ng PLM, kasama ang pangangalap ng mga materyal na suporta.

Seksyon 4. Ang itinatakdang butaw ng indibidwal na kasapi ng PLM ay hindi bababa sa limang piso (P5) kada buwan.

Artikulo 11
Pag-amyenda ng Saligang Batas

Seksyon 1. Ang anumang amyenda ay maisasagawa lamang ng mayoryang delegado sa mga ilulunsad na regular o ispesyal na Pambansang Kongreso.

Artikulo 12
Pagpapatibay at Pagkakabisa

Seksyon 1. Ang Saligang Batas na ito ay magkakabisa matapos pagtibayin ng Pambansang Kongreso ngayong ika-30 ng Enero, 2009 sa lungsod ng Quezon.

Plataporma ng Masa - PLM

PLATAPORMA NG MASA
Partido Lakas ng Masa

Ang Plataporma ng Masa na itinataguyod ng PLM ay plataporma tungo sa pagbubuo ng bagong sistema ng sosyalistang lipunan na makatao, walang pagsasamantala, walang pang-aapi, may kakayahang isustine (sustainable), at kung saan ang yaman ng lipunan ay pantay-pantay na pinaghahatian ng lahat. Ito ay isang lipunan na ipupundar sa tunay na pag-unlad ng sangkatauhan, hindi gaya ng kasalukuyang kapitalistang lipunan na pinaghaharian ng iilan at pinatatakbo para sa kasaganaan lamang ng iilan.

Ang Plataporma ng Masa ay transisyonal na programa, na kumakatawan sa layunin ng masa (ng uring manggagawa, mga maralita sa lungsod at kanayunan, o lahat ng mahihirap) na pasimulan na ang hakbang para sa tuluy-tuloy na pagbabago ng lipunan. Bilang transisyonal na programa, nagsisimula ito sa kagyat na layuning isalba ang mamamayan sa matinding krisis na nililikha ngayon ng kapitalistang sistema, habang pinalalawig ang demokratikong espasyo para sa pampulitikang interbensyon ng masa. Krusyal sa Plataporma ng Masa ang pagkakaloob ng kagyat na economic relief sa masa at ang pagbibigay ng kapangyarihan sa kanila sa iba’t ibang antas.

May mga bagay sa plataporma na maaaring maipagkaloob kahit sa kasalukuyang sistema na pinaghaharian ng mga trapo at elitistang pwersa. Subalit kahit ang mga ito ay mangangailangan ng ibayong mobilisasyon at matitinding pagkilos ng masa para mapilitang ipagkaloob ng mga nasa poder. Sa kabuuan, ang pagkompleto ng Plataporma ng Masa ay nasa ganap na tagumpay ng pakikibaka ng masa.

Dapat tanganan ng masa ang kapangyarihang pampulitika, ang buong gobyerno at ang lahat ng ahensya ng estado, para ganap na maisakatuparan ang minimithing layunin ng bagong lipunan. Isang lipunan na ang panuntunan ay pagtitiyak na anumang kasaganaan at pag-unlad ng lipunan ay maisasalin sa kasaganaan at pag-unlad ng bawat indibidwal, at kung saan ang bawat indibidwal ay mahuhubog bilang kritikal na pwersa sa ganap na lipunang pagbabago.

Ang Plataporma ng Masa ay kontribusyon ng masang Pilipino sa pagsusulong ng sosyalismo sa ika-21 siglo – sa pagtatayo ng internasyonal na pagkakapatiran ng lahat ng inaapi at pinagsasamantalahang pwersa tungo sa pagwawakas ng imperyalistang pagsasamantala at pang-aapi at pagtatatag ng pantay na ugnayan ng mga bansa at pagkakapatiran ng masa sa buong mundo.
.
I. Kagyat na Economic Relief sa Masa

Kailangan ang kagyat na economic relief sa harap ng di-matingkalang paghihirap ng masa. Kailangang itigil ang tumataas na antas ng mga pamilyang nagugutom. Kailangang isalba ang mga sanggol at batang sinalanta na ang katawan at utak ng matinding malnutrisyon. Kailangang itigil ang malawakang lay-off at pagsasara ng mga pabrika at kailangang ihanda ang programa sa maramihang pagbabalik ng mga OFWs dahil sa pandaigdigang krisis ng kapitalismo.

1. Kagyat na mga aksyon:

(a) Ibaba ang presyo ng mga bilihin, ipatupad ang price ceiling sa lahat ng batayang bilihin, at tanggalin ang VAT sa lahat ng produkto.
(b) Ibaba ang halaga ng koryente, tubig at pamasahe
(c) Moratoryum sa lay-offs at pagsasara ng mga pabrika
(d) Assistance ng gobyerno sa takeover ng mga manggagawa at ng komunidad sa nagsarang mga pabrika
(e) Paglulunsad ng feeding programs, health projects at lahat ng proyektong lulutas sa sagad na malnutrisyong dinaranas ngayon ng maraming sanggol at bata sa maraming dako ng Pilipinas.

2. Pagpapalaki at pagpaparami ng mga panlipunang programa para sa mahihirap:

(a) Pagkakaloob ng disenteng trabaho para sa lahat. Proteksyon ng estado sa karapatan at suporta sa kabuhayan ng mga nasa informal sectors ng ekonomiya (gaya ng vendors, tricycle at jeepney drivers, at iba pa).
(b) Pagpapalaki ng badyet ng gobyerno para sa panlipunang proyekto gaya ng job-creating projects; pagkakaloob ng living wage sa mga manggagawa; proyekto para sa libre o abot-kayang ospitalisasyon at medisina (comprehensive public health care); libreng edukasyon sa pamilya ng mahihirap; at libre o abot-kayang proyektong pabahay nang walang interes at kolateral.
(c) Pag-release ng government-controlled funds (gaya ng Coco Levy) at koleksyon ng unpaid taxes ng mayayaman (gaya ng bilyun-bilyong buwis na utang ni Lucio Tan) para pondohan ang mga proyektong panlipunan.

3. Sa mga OFWs na maaapektuhan ng krisis at babalik sa Pilipinas:

(a) Isang social relief package na binubuo ng pagbibigay ng disenteng trabaho at kaparaanan para mabuhay, disenteng pasahod, at sapat na proyektong tutugon sa kanilang mga pangangailangan sa kalusugan, edukasyon at pabahay.

4. Kagyat na pagbaligtad ng mga patakarang neo-liberal ng gobyerno:

(a) Repeal ng automatic debt appropriation, pagwawaksi sa mga di-makatwirang utang, at pagbaling ng bayad-utang para sa mga proyektong panlipunan.
(b) Kagyat na pagpapatigil sa mga nakasalang na proyekto sa privatization, liberalisasyon, at deregulasyon ng mga sektor sa ekonomiya.
(c) Proteksyon sa agrikultura at industriya gaya ng pagtataas ng taripa.
(d) Pagsasabansa ng mga bangko at financial institutions sa ilalim ng popular control para tiyakin na ang pondo ay hindi ginagamit para pagtubuan kundi para pondohan ang social development projects na lumilikha ng trabaho.
(e) Pagbubukas ng libro de kwenta ng mga bangko. Magpatupad ng istriktong regulasyon sa operasyon ng mga bangko at gawing transparent ito dahil ang mga bangko ay public service institutions kung saan ang savings ng masa ay doon nakadeposito.
(f) Walang patakaran ng bailout sa mga kapitalistang bangko at korporasyon (gaya ng isang probisyong nakasaad sa bagong Konstitusyon ng Ecuador).
(g) Ilegalisasyon ng financial speculation at iba’t ibang anyo nito.
(h) Pag-alis ng bansa sa IMF, World Bank, ADB, WTO at mga gaya nito, at pagbuwag sa mga di-pantay na kasunduan sa ibang bayan.
(i) Pagsusulong ng pantay na kalakalan sa mga mapagkaibigang gobyerno.

5. Proteksyon sa pampulitika at pang-ekonomiyang karapatan ng mga manggagawa:

(a) Living wage para sa lahat ng mga manggagawa; automatic wage adjustment batay sa implasyon o pagtaas ng presyo.
(b) Ganap na karapatan sa welga at pag-oorganisa.
(c) Pagbabawal ng kontraktwalisasyon at kaswalisasyon sa mga regular na trabaho at repeal ng lahat ng mga batas at regulasyon na anti-unyon at anti-manggagawa.

6. Pagwawakas ng gutom, kahirapan at inhustisya sa kanayunan.

(a) Pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo, kabilang na ang pagkakaloob ng lupa sa mga nagsasaka (mula pagkakaloob sa indibidwal hanggang pagkakaloob sa mga kooperatiba at samahan ng masa), at access sa agricultural credit at assistance, job security at market access para sa mga magsasaka at manggagawang agrikultural.
(b) Subsidyo at pagpapababa ng presyo ng mga farm inputs, at pagtatayo ng imprastruktura na kailangan sa agrikultura (irigasyon, harvest & post-harvest facilities, etc.).
(c) Seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagbabawal ng eksportasyon ng bigas, atbp.

7. Kagyat na proteksyong pangkalikasan:

(a) Pagtigil ng mapanirang pagtotroso at pagmimina, dynamite fishing, at iba pang operasyon na nakasisira sa kalikasan at balanseng pang-ekolohiya.
(b) Mga batas para sa pagkontrol ng pollution sa lupa, hangin at tubig.
(c) Kontrol ng komunidad at pangangasiwa sa yamang-tubig at iba pang public domains (forests, at iba pa).

II. Kagyat at Kailangang Pampulitikang Reporma

Ang economic relief ay dapat sabayan ng kongkretong reporma sa pulitika, na ang pinakapuso ay pagtatayo ng kapangyarihan ng masa sa lahat ng antas. Ang marami sa programang naririto ay magagawa lamang sa ilalim ng kapangyarihan ng masa, at kung gayo’y mangangahulugan na kailangang hawakan ng masa ang kapangyarihang pampulitika kung nais nilang isulong ang makabuluhan at makatwirang platapormang ito na tanging solusyon sa krisis ngayon.

1. Kagyat na pagtatayo ng kapangyarihan ng masa (People’s Power).

(a) Transpormasyon ng mga barangay bilang organo ng kapangyarihang popular sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Barangay Assemblies na kinakatawan ang lahat ng pamilya at mga tao sa komunidad. Pagbubuo ng mga katulad na assemblies sa pabrika, lugar ng trabaho, at eskwelahan (assembly of student, faculties and workers).
(b) Paglalaan ng hiwalay na badyet para sa mga institusyon ng popular power sa grassroots level.
(c) Pagsusulong ng participatory budgeting o partisipasyon ng masa sa pagbubuo ng badyet sa kanilang komunidad hanggang sa munisipal at pambansang antas.
(d) Pagbubuo ng mga milisya ng masa na pinatatakbo ng mga assemblies sa komunidad, pabrika, lugar ng trabaho at mga kampus.
(e) Pagtatayo ng People’s Power government sa lahat ng antas para ipatupad ang mga kailangang reporma na inilista sa itaas – isang gobyerno na binubuo at pinatatakbo ng mga anakpawis mismo.
(f) Ang paggawa ng bagong Konstitusyon para isagawa ang mga pagbabago at isulong ang sosyalistang direksyon na ninanais ng mamamayan.
(g) Ang kababaihan ay dapat may malakas na representasyon at aktibong partisipasyon sa lahat ng antas ng kapangyarihang masa.

2. Pagwawakas ng graft & corruption sa gobyerno at sa militar:

(a) Pag-aresto at paglilitis sa big-time grafters at corrupt na mga opisyales, kabilang ang mga dati at kasalukuyang nangurakot na pangulo at pamilya nila.
(b) Revamp ng AFP/PNP at paglilitis ng mga corrupt at kriminal na mga heneral.
(c) Paglalansag ng mga criminal syndicates at iba pang sindikato sa loob ng gobyerno at mga ahensya nito.
(d) Pagpapalit ng mga kinatawan ng masa sa mga corrupt at anti-masang personahe sa burukrasya.

3. Pagreporma sa AFP, PNP, hudikatura at sistemang elektoral

(a) I-retire ang mga heneral at lahat ng mga Supreme court justices at palitan sila ng mga kinatawan ng masa na nagmumula sa mga progresibong seksyon ng AFP, PNP at judiciary.
(b) Buwagin ang Comelec at itayo ang bagong electoral agency sa ilalim ng mga kinatawan ng masa.
(c) Gawing demokratiko ang sistemang elektoral para magkaroon ng mas malaking representasyon ang masa sa lahat ng antas ng gobyerno.
(d) Dapat ihalal ang burukrasya ng estado at maging accountable sila sa mamamayan sa lahat ng panahon. Dapat silang mapailalim sa recall kung ninais ng mamamayan. Ang kanilang operasyon ay dapat ganap na transparent. Dapat buuin ang burukrasya ng mga dedicated na kinatawan ng masa at wala silang tatamasahing espesyal na mga prebilehiyo. Ang kanilang sweldo ay dapat katumbas ng sweldo ng mga skilled na manggagawa.
(e) Ang gender equality ay isang criteria sa paghahalal ng mga opisyales ng estado sa lahat ng antas.

4. Paglutas ng gyera at armadong mga sigalot para magkaroon ng kapayapaan ang bayan.

(a) Pull-out ng lahat ng pwersa ng US at mga imperyalistang pwersa sa Mindanao at iba pang mga lugar sa bansa.
(b) Pagtigil ng gyera sa Mindanao at pagbaling ng pondo sa gyera tungo sa produktibong proyekto at paglikha ng mga trabaho.
(c) Pagkakaloob ng karapatan sa sariling-pagpapasya, hanggang karapatan sa independensya, ng Bangsa Moro.
(d) Pagbasura ng internal security policies na nakabatay sa anti-terrorism campaign at repeal ng lahat ng kontra-mamamayan na military at anti-terrorism laws.
(e) Pagsulong ng peace process para wakasan ang lahat ng armadong sigalot sa pamamagitan ng paglutas sa inhustisyang panlipunan at pampulitika na ugat ng mga ito.

5. Pagwawakas sa lahat ng anyo ng diskriminasyon at inequality sa gender.

(a) Paggarantiya ng estado (sa pamamagitan ng batas, education campaign, at iba pa) sa pagwawakas sa karahasan laban sa kababaihan sa domestic at pampublikong larangan.
(b) Repeal ng lahat ng discriminatory laws laban sa kababaihan at sa mga lesbiasn, gays, bisexuals at transgender.
(c) Itaguyod at isulong ang karapatan ng kababaihan at ang reproductive health.
(d) Ang pagkilala ng gobyerno sa reproductive work ng kababaihan sa mga pamilya bilang tunay na trabaho na may bayad na kailangang ipagkaloob ng gobyerno sa bawat kababaihang nakatali sa trabahong bahay (gaya nang nakasaad sa konstitusyon ng Venezuela).
(e) Pagtulong ng estado para isulong ang pang-ekonomiyang empowerment ng kababaihan, gaya ng pagtatayo ng Women’s Bank, ang paggawa ng gender budgets sa lahat ng antas ng gobyerno; ang adult education at vocational training, at iba pa.

6. Pangangalaga sa ating kabataan.

(a) Libreng edukasyon para sa lahat, sa lahat ng antas (primarya hanggang kolehiyo).
(b) Paglulunsad ng mga espesyal na programa para mahatak pabalik sa eskwela ang mga out-of-school youth.
(c) Magkaloob ng living stipend para sa mga kabataan ng mahihirap na pamilya para matiyak na makapagtapos sila ng edukasyon.
(d) Paunlarin ang mga socialist-oriented education courses, at magkaroon ng sports development projects para sa mga kabataan.

7. Pangangalaga sa mga senior citizens.

(a) Pagtitiyak ng mainam na kabuhayan sa mga senior citizens o mga hindi na kayang magtrabaho, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sapat na pension at disenteng tirahan na may kaukulang pasilidad para sa mga may edad.
(b) Paglulunsad ng mga proyektong makatutulong sa pag-unlad ng pisikal at mental na kakayahan ng mga senior citizens at pangangalagang pangkalusugan.

8. Pagpapaunlad ng kultura ng masa at pagsulong ng people’s mass media.

(a) Paunlarin ang isang anti-kolonyal at anti-imperyalistang kultura na kritikal, di invidualistic, secular at socially-oriented.
(b) Buwagin ang monopolyo ng mga kapitalistang korporasyon sa media at palakasin ang independent mass media.
(c) Suportahan ng gobyerno ang people’s power media na magtatayo ng mga community-based radio, TV, theatre, dyaryo at magasin sa lokal na antas.

Nobyembre 12, 2008

Praymer ng PLM

PLM: BAGONG PARTIDO NG ATING PANAHON:
PARTIDO NG PAGBABAGO!
PARTIDO NG SOSYALISMO!

1. Bakit kailangan ng masa ang isang partido?

Marami sa mga partidong politikal na nakatayo ngayon ay partido ng trapo. Tuwing halalan, lagi silang nangangako na itataguyod ang ating mga kapakanan. Pagkatapos ng halalan, lahat ng pangako ay nananatiling nakapako.

Ang mga partido ng trapo ang matagal nang komokontrol sa ating pulitika. Noon, walang ibang mapamimilian kundi Nacionalista o Liberal Party. Noong panahon ni Marcos, iisa lamang ang partido, ang KBL. Ngayon ito ay binubuo ng Kampi, Lakas-NUCD, LDP, PMP ni Erap, Nacionalista Party, at iba pa. Pero lahat ito ay wala namang pagkakaiba sa programa, at sa mga nagpapatakbo nito. Lahat ito ay itinayo para sa ambisyong pansarili ng mga trapo. Kung ito man ay may ipinaglalaban, ito ay para panatilihin ang paghahari ng mga kapitalista at ng mga asendero sa bansa.

Kaya habang ang mga partidong ito ay naghahalinhinan sa pwesto, nananatiling walang pagbabago ang buhay ng mga mahihirap. Ito’y dahil ang mga trapo ay walang interes na lutasin ang kahirapan, kaapihan at kawalan ng katarungan sa marami. Ang nais lamang ng mga partidong ito ay panatilihin ang kanilang paghahari, gamitin ang gobyerno para kumamkam ng ibayong yaman at ipagtanggol ang nakulimbat nilang yaman.

Ang paghahari ng mga trapo, ng mga kapitalista at asendero, ang dahilan kung bakit ang buong gobyerno at lahat ng ahensya nito ay bulok, kung bakit ang mga batas na nililikha ng Kongreso at Senado ay hindi nagsisilbi sa mahihirap at ginagamit pa laban sa mahihirap.

Kaya kung ang mga trapo, kung ang mga naghaharing uri ay may partido – kailangan ng masa ang sariling partido. Para ipagtanggol ang ating interes, kontrahin ang interes ng mga naghahari, at ibagsak ang paghahari ng mga trapo. Sa kalaunan, kailangan natin ang ating partido para itayo ang isang gobyerno at isang sistema na maglilingkod sa interes, hindi ng iilang mayayaman, kundi ng nakararaming masa.

2. Hindi pa ba sapat ang party-list na partido? Ano ang mga limitasyon nito?

Dahil sobra na ang monopolyo ng mga trapo at ng mga may-kaya sa gobyerno, ipinag-utos sa bagong Konstitusyon na ipatupad ang party-list system sa Kongreso para raw magkaroon ang mga marginalized na sektor (manggagawa, urban poor, kababaihan, kabataan, atbp.) ng mga kinatawan sa Kongreso.

Subalit kahit ang batas ng party-list ay maraming butas. Una, ang party-list ay makapagsasampa lamang ng kinatawan sa Kongreso (nakabababang sangay ng lehislatura).

Ikalawa, sa batas, 20% lamang ng bilang ng mga kongresista ang inilalaan para sa party-list (at ang 80% ay paras a mga Congressional districts na kontrolado ng mga trapo o political clans sa iba’t ibang panig ng bansa). Sa Kongreso na may 250 na kinatawan, ang 20% ay nangangahulugan lamang ng maksimum na 50 kinatawan.

Ikatlo, kahit ang 20% ay hindi naibibigay sa party-list dahil sa mahigpit na regulasyon ng Comelec. Sa naganap na mga halalan, masuwerte nang magkaroon ng higit 20 kinatawan ang party-list. Sa ngayon, ang party-list representatives ay bumibilang lang ng 21.

Ikaapat, ang party-list ngayon ay kinokontrol na rin ng gobyerno at ng mga trapo. Noong nakaraang eleksyon, nag-operasyon ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo para lalong pababain ang bilang ng mga progresibong party-list na nananalo. Pinarami ng gobyerno ang mga party-list na hawak nito sa bulsa. Sa 21 na party-list representatives ngayon, 6 lamang ang maituturing na nasa progresibong grupo na tunay na nakikipaglaban para sa interes ng mahihirap.

Bukod sa mga limitasyon na ito ng party-list, nababaluktot din ng sistemang ito ng party-list ang pulitika ng mga progresibong pwersa. Dahil isa lamang ang pwedeng ibotong party-list, nagiging paraan para makakuha ang party-list ng boto sa mga lokalidad ay ang tinatawag na “negotiated votes”. Ito’y mga boto na kinukuha sa negosasyon sa mga lokal na trapo. Noong nakaraang halalang 2004, ang negotiated votes ay lumiit nang husto dahil sa paghaplit ni GMA sa mga lokal na trapo na suportahan lamang ang mga party-lists na nasa pundya nito.

3. Bakit kailangang lumaban sa lokal at pambansang larangan?

Una, kung tunay na hinahangad natin ang pagbabagsak ng pulitikang trapo, krusyal na larangan ng labanan ang pag-uk-ok hanggang pagbabagsak sa paghahari ng mga trapo sa lokal na gobyerno, kung saan pinakamaganit ang kanilang paghahari.

Ikalawa, pinatunayan ng pagkapanalo sa halalan nina Among Ed sa Pampanga at Grace Padaca sa Isabela na maaaring ibagsak ang maganit na paghaharing trapo kung mapakikilos ang masa na sawang-sawa na sa kanila.

Ikatlo, ang lakas na mabubuo natin sa lokal na eleksyon ang mainam na paghahanda sa halalang nasyonal at presidensyal. Ganito ang naging paraan sa pagwawagi sa pambansang halalan ng mga sosyalista at progresibong partido sa Latin America.

Dahil dito, ang PLM ay hindi lamang lalahok bilang party-list, kundi sa pangunahin ay magpapatakbo ng mga kandidato sa lokal at iba’t ibang antas ng halalan.

4. Hanggang halalan lamang ba ang papasukin ng PLM?

Ang PLM ay hindi lamang isang organisasyong elektoral. O organisasyong nabubuhay lamang sa panahon ng halalan. Ang PLM ay kombinasyon ng kilusang masa at ng organisasyong elektoral.

Kinikilala ng PLM na ang eleksyon ang paraan na ginagamit ng mga maykapangyarihan para panatilihin ang mga trapo at mga kaalagad nito sa poder. Sa kabilang banda, naniniwala ang PLM na magagamit ang eleksyon bilang isang larangan ng pakikibaka, kung saan maaaring i-contest ng masa ang kapangyarihan ng mga trapo. Pero para ito’y maganap, ang partido ng masa ay kailangang lumahok sa halalan, hindi sa pamamagitan ng mga tradisyonal na paraan ng pangangampanya, kundi sa mga pamamaraan na nagpapakilos sa masa at nagtataas ng kanilang antas ng pakikibaka.

Dahil dito, kinikilala ng PLM ang halaga ng isang estratehiya na kinokombina ang pakikibaka ng masa sa elektoral na interbensyon. Ito’y isang estratehiya na nakapagpanalo ng maraming progresibo at sosyalistang partido sa maraming bayan sa Latin Amerika ngayon.

5. Bakit partido ng bagong panahon?

Ang PLM ang partido para sa bagong siglo, isang partido na kumakatawan sa aspirasyon ng masa na wakasan ang kahirapan at krisis na dulot ng ‘globalisasyon’.
Ang partidong ito ay nakatutok sa paglalansag ng mga neoliberal na patakaran ng kasalukuyang gobyerno, at paglalansag ng graft and corruption na naging talamak na sa buong antas ng gobyerno dahil sa walang patlang na paghahari ng mga trapo at ng kanilang mga angkan.

Partido rin ito ng bagong panahon dahil ginagamit ng PLM ang mabisang kombinasyon ng pakikibakang masa at paglahok sa eleksyon para wakasan ang political stalemate (kung saan malakas ang kilusang masa, pero malakas pa rin ang naghaharing uri na nakakapit sa estado poder). Sa kombinasyon ng dalawa, kayang ibagsak ang paghahari sa gobyerno ng mga trapo. At kapag nagawa ito, kayang gamitin ang gobyerno para ituloy-tuloy ang ganap na pagbabago ng lipunan.

6. Bakit partido ng pagbabago?

Lahat ng trapong partido ay naging tagapagtaguyod lamang ng umiiral na sistema (status quo). Ang PLM ay naninindigan na kailangan ang pagbabago sa lahat ng antas ng gobyerno. Hindi malulutas ang suliranin ng lipunan hanggang nananatili ang bulok na gobyerno (at lahat ng ahensya nito) na pinatatakbo ng mga trapo.

Ang partido ay kumakatawan sa tunay na mga pagbabagong hinahangad ng bawat anakpawis. Ang programa nito ay bubuuin sa pamamagitan ng pagkuha sa mga aspirasyong hinahangad ng masa.

7. Bakit partido ng sosyalismo?

Naniniwala ang PLM na ang kapitalismo ay isang bulok na sistema na dapat lamang palitan ng sistema ng sosyalismo. Ang kapitalismo ay isang sistema na nakapundar sa tubo at paghahangad ng kapitalista ng limpak-limpak na tubo, nakapundar sa pag-aari ng iilan sa kasangkapan para sa paglikha ng yaman at ng lahat ng yamang nalilikha nito, nakapundar sa pagkakahati-hati sa tao sa mga uri (mayaman at mahirap, may pag-aari o wala).

Ang sosyalismo ang kabaligtaran nito. Isang sistema na nakapundar sa pagtugon sa lahat ng pangangailangan ng tao, sa pag-aari ng lahat ng lahat ng kasangkapan sa paglikha ng yaman at ng yamang nalilikha nito, at ang pagbabaklas sa anumang pag-uuri sa mga tao na nagnanakaw ng kanilang dignidad at seguridad sa lipunan.

Ang sosyalismo rin ang kumakatawan sa internasyonalismo, sa tunay na pakikipagkapatiran ng mga manggagawa at anakpawis sa mga manggagawa at anakpawis ng buong mundo. Binabaklas nito ang sistema ng pagkakanya-kanya o pag-iisip lamang ng mga tao sa batayan ng sariling interes, sariling grupo, o sariling bayan. Ang sosyalismo ay pagsasama-sama ng lahat para itayo ang makatarungan at masaganang kaayusan na wawakas sa imperyalista, kapitalista at lahat ng anyo ng pagsasamantala at pang-aalipin sa daigdig.

8. Kaya bang manalo ng ating partido, at paano ito maipapanalo?

Kung mag-iisip lamang tayo ng sariling interes kahit bilang isang grupo, hindi maipapanalo ang PLM. Kung tuwing eleksyon ay magpapagamit lamang tayo sa mga trapo at susuportahan ang kanilang mga ambisyon, hindi mananalo ang PLM.

Pero kung tayo ay magkakaisa at lalaban, walang panama ang tatlong “Gs” ng mga trapo (guns, goons and gold), at kahit dagdagan pa ito ng isang “G” (Gloria Macapagal-Arroyo). Gaya nang pinatunayan sa panalo ni Among Ed sa Pampanga kahit ang kalaban nito ay may 4 na “Gs” gaya nang nabanggit (mga gambling lord din na suportado ni GMA), nagawa ng masang PampangueƱo na ibagsak ang mga trapo at ipanalo si Among Ed. Ganito rin halos ang nangyari sa pagpapabagsak ni Grace Padaca sa trapong angkan sa Isabela.

Ang agimat natin ay nasa lakas ng masa, sa pakikibaka ng masa. Sa Latin Amerika, maraming bansa ang nanalo ang mga sosyalistang presidente dahil kumilos ang masa, nangampanya nang todo-todo, at nagbantay sa balota para tiyakin ang boto. Sa Venezuela, bukod sa lakas ng masa ay nakatulong ang pwersa ng mga rebeldeng sundalo na pinamumunuan ni Hugo Chavez para ipanalo si Chavez. Sa Venezuela at Bolivia, ang tunay na nagpanalo ay ang mga pag-aalsa ng masa na halos umagaw na ng gobyerno. Ito’y mga pag-aalsa na kinapos na maging isang rebolusyon, pero sa pamamagitan ng halalan ay tumibag sa political stalemate sa pagitan ng kilusang masa at bulok na kapitalistang gobyerno. Nakuha ang gobyerno poder at ginagamit ito ngayon para isulong ang hakbang-hakbang na rebolusyon na magbabago sa kapitalistang sistema tungong sosyalista.

9. Paano oorganisahin ang partido?

Ang lahat ng organisasyong masa at mga indibidwal na naninindigan sa pagtatayo ng bagong partido ang bubuo ng unang hanay nito at magpaplano para sa hakbang-hakbang na pagtatayo ng partido.

Bubuuin ang partido pangunahin sa antas munisipyo at mga lokalidad. Gagawin ito sa pamamagitan ng mga malalaking assembly o working people’s summit na ipatatawag sa mga lokalidad. Magsisilbing panimulang pwersa ang mga pangmasang organisasyon (o lokal na kinatawan nila) na dapat kumatok at humikayat sa iba’t ibang samahan ng masa, sa mga bagong pwersa at sa mga indibidwal na lider sa lokalidad para lumahok sa mga summit.

Ang summit o ang assembly ang tatayong chapter ng partido. Dapat itong magbuo ng konseho na aaktong liderato ng local chapter (munisipal o erya). Ang chapter, sa pamumuno ng konseho, ang tatayong sentrong pampulitika na siyang mangangasiwa at mamumuno sa mga kampanya at pakikibakang masa sa lokal.

Kung hindi pa maitatayo ang mga teritoryal na chapter (munisipyo at erya), maaaring magtayo ng chapter sa mga pagawaan. Mas mainam kung magsasama-sama sa isang chapter ang magkakalapit na mga pagawaan. Ang konseho ng pabrika ang magiging sentro ng liderato ng partido sa pagawaan.

Magtatayo rin ang partido ng mga chapter sa mga kolehiyo, unibersidad at sa iba pang mga paaralan. Ang chapter, sa pamumuno ng konseho, ang tatayong pampulitikang sentro sa kampus. Ito ang mangangasiwa at mamumuno sa mga kampanya at pakikibaka sa loob ng kampus.

10. Anu-ano ang tungkulin ng mga itatayong chapter ng partido?

Tungkulin ng mga chapter ang sumusunod:
(a) Pag-oorganisa at pagpapakilos ng masa sa lokal na antas
(b) Rekrutment ng mga bagong pwersa
(c) Paglulunsad ng mga kampanya
(d) Paglulunsad ng ahitasyon at propaganda
(e) Pakikipag-alyansa sa iba pang pwersang labas sa partido
(f) Kampanya at interbensyon sa eleksyong lokal at nasyonal.

11. Paano ang ibang mga grupo na labas sa trapo, makikipag-alyansa ba sa kanila ang PLM at anu-ano ang mga batayan ng alyansa?

Una, hihikayatin ng PLM ang lahat ng mga independyenteng organisasyon ng masa (mga organisasyong hindi kontrolado ng mga trapo) na umanib na sa PLM. Kung hindi pa maaari ito, gagawa ng mga pakikipag-alyansa sa kanila sa iba’t ibang antas at erya.

Ikalawa, bibigyan din ng espesyal na diin ng PLM ang pagbubuo sa mga espesyal na sektor na matagal nang lumalaban at naghahangad ng pagbabago sa bulok na sistema natin ngayon. Isa rito ang grupo ng mga rebeldeng sundalo na natitipon sa Magdalo o mga pormasyong tulad nito. Kahanga-hanga ang kanilang paninindigan sa paglaban sa bulok na gobyerno ni GMA, at maraming bahagi ng plataporma ng PLM ay pinapanigan ng kanilang grupo.

Kasama rin sa espesyal na sektor ang Bangsa Moro sa pangunguna ng kanilang mga organisasyon na lumalaban sa bulok na rehimeng Gloria.

Bukod sa mga ito, bubuuin din ng PLM ang alyansa sa mga pwersa ng panggitnang uri na naghahangad na magkaroon ng reporma sa ating lipunan.

12. Anu-ano ang nilalaman ng plataporma sa gobyerno ng PLM?

Ang isinusulong ng PLM ay isang transisyonal na programa na kumakatawan sa paglalansag ng bulok na kapitalistang sistema at ang pagpapalit dito ng sosyalismo.

Ang plataporma ay pangunahing binubuo ng mga kagyat na pang-ekonomiya at pampulitikang reporma. Kabilang dito ang:
(a) Pagsasabansa ng mga batayang industriya at serbisyo, gaya ng koryente, langis at tubig
(b) Pagkakaloob ng batayang pangangailangan ng masa, gaya ng lupa, disenteng tirahan, edukasyon, trabaho, at pangangalaga sa kalusugan
(c) Isang malinis at sustainable na environment
(d) Pagtatayo ng isang tunay na gobyerno ng masa.