Mayo 1, 2014 - Sumama sa libu-libong manggagawang nagmartsa mula sa Welcome Rotonda hanggang sa Mendiola ang grupong Partido Lakas ng Masa (PLM) upang ipahayag at ipakita nila ang kanilang pagkadismaya sa gobyerno ni Noynoy Aquino.
Matapos sa Mendiola ay nagtungo naman ang ilang grupo ng manggagawa sa Quiapo Church. Sa paanyaya ng simbahan, dumalo ang mga manggagawa, at doon ay nagkaroon ng misa at programa para sa mga manggagawa. Doon ay binasa ni Fr. Eric Adoviso ang Pastoral Letter ni Bishop Luis Antonio Tagle hinggil sa Araw ng Paggawa. Si Ka Jhuly Panday ang isa sa mga nagpahayag sa salmo responsoryo, at sa offering ay sina Dennis Mendiola at Emma Garcia naman ang nagdala ng dalawang tarp hinggil sa panawagang anti-political dynasty. Matapos ang misa, nagpahayag ang iba't ibang grupo ng manggagawa. Nagsalita rin sa loob ng simbahan sina Ka Sonny Melencio, na tumalakay sa isyu ng political dynasty, at Ka Leody de Guzman, na iminungkahi ang pakikipaglaban para sa anim-na-oras na paggawa. Dumalo rin doon ang FFW, PALEA, PM, at iba pa.
Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.Matapos sa Mendiola ay nagtungo naman ang ilang grupo ng manggagawa sa Quiapo Church. Sa paanyaya ng simbahan, dumalo ang mga manggagawa, at doon ay nagkaroon ng misa at programa para sa mga manggagawa. Doon ay binasa ni Fr. Eric Adoviso ang Pastoral Letter ni Bishop Luis Antonio Tagle hinggil sa Araw ng Paggawa. Si Ka Jhuly Panday ang isa sa mga nagpahayag sa salmo responsoryo, at sa offering ay sina Dennis Mendiola at Emma Garcia naman ang nagdala ng dalawang tarp hinggil sa panawagang anti-political dynasty. Matapos ang misa, nagpahayag ang iba't ibang grupo ng manggagawa. Nagsalita rin sa loob ng simbahan sina Ka Sonny Melencio, na tumalakay sa isyu ng political dynasty, at Ka Leody de Guzman, na iminungkahi ang pakikipaglaban para sa anim-na-oras na paggawa. Dumalo rin doon ang FFW, PALEA, PM, at iba pa.
Mga kuha sa loob ng simbahan ng Quiapo: