Wednesday, April 9, 2014

PLM, sumama sa pagkilos kontra ChaCha ni Belmonte

Abril 9, 2014 - Sumama sa pagkilos kontra Charter Change na isinusulong ngayon sa Kongreso ang mga kasapi ng Partido Lakas ng Masa (PLM) sa pangunguna ng pangulo nitong si Ka Sonny Melencio sa Mabuhay (Welcome) Rotunda. Kasama nilang nagrali dito ang grupong Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Socialista, October Movement, Alyansa Kontra ChaCha, at marami pang iba.

Ulat at litrato ni Greg Bituin Jr.

Thursday, March 20, 2014

Tuesday, February 18, 2014

PLM joins BMP and PMT in picket at LTFRB

Partido Lakas ng Masa (PLM) joins the BMP and PMT calling for reforms in the transport industry in the light of the recent Bontoc and Skyway tragedies

Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT)
Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP)

February 18, 2014

Transport Group, Militant Labor to Picket LTFRB Hearing on Bontoc Bus Tragedy Tomorrow

What: Picket for Regulation of Transport Industry and Reorganization of LTFRB

When: February 19, Wednesday, 9:00 a.m.

Where: Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) office at East Avenue in Quezon City

The Pagkakaisa ng Manggagawa sa Transportasyon (PMT) and Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) will organize a picket in front of the LTFRB office in Quezon City tomorrow, February 19. The protest coincides with the regulatory agency's first hearing on the Bontoc bus tragedy that claimed lives of 14 passengers including cultural activist and comedian Tado Jimenez.

Larry Pascua, PMT secretary-general said, "We are calling for reforms in the transport industry in the light of  the recent Bontoc and Skyway tragedies, involving the Florida and Don Mariano Marcos bus lines. Strict government regulation must be placed to ensure the safety of the commuting public, who must not fall prey to  unscrupulous methods of profiteering".

Pascua added, "In developed countries, safety measures are strictly enforced both in state-owned and privatized mass transportation systems. Vehicles, machines and instruments used in public transport should conform to government standards. More so, transport workers must enjoy sufficient wages and benefits, shorter working hours and humane conditions of work. They do not hesitate to invest on safety because life is more precious than property".

"Unfortunately, in our country, regulation of mass transport to ensure public safety is almost non-existent. Government intervention is exacting only on franchising issues as it is more concerned with collecting various fees from capitalists in the transport industry. The LTFRB and LTO, both widely recognized to be among the most corrupt and bureaucratic agencies in government, should be reorganized and reformed," he added.

At the protest, transport workers, cause-oriented groups and supporters of the late Tado Jimenez carried placards that read: "Regulasyon, hindi korapsyon sa transport industry", "Kaligtasan muna bago tubo ng kapitalista", "Hustisya para kay Tado at lahat ng biktima".

To conclude, Ronnie Luna, vice-president of Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) asked, "How many more innocent lives have to be lost to a poorly-regulated, profit oriented transport system? How long will we endure badly-maintained vehicles that continue to threaten the lives of the people? The rightful answers to these questions are not terms of money, sales and costs. It is a question of life-and-death. People  before profit"!

The transport group PMT is an affiliate of the socialist BMP.

Contact Persons: 
Larry Pascua, PMT Secretary-General 09052050031
Ronnie Luna, BMP Vice President 09088957307

Monday, February 10, 2014

PLM Statement on the death of Arvin "Tado" Jimenez

PLM Statement on the death of Arvin "Tado" Jimenez

We mourn the untimely loss of an artist, comrade, and friend who had been one of standard-bearers of our party during the local elections in May last year.

Tado rose to national prominence as a film and TV comedian whose brand of entertainment was both witty and socially relevant. Beyond his comedic countenance, Tado had also lived a full and committed life in service to the masses.

We have known him since his early teens, when he stayed at our activists’ office as a member of Panday Pira, a cultural group, which had been helping us in painting protest murals in rallies and street actions.

Even after he became a showbiz icon, Tado continued his social advocacies and support to the poor people in Marikina and nationwide. He was a perennial presence during protest activities, the most recent were protests against political dynasties, trapo (traditional politicians) rule, the pork-barrel, environment and mining issues, and others. In fact, his death from a bus crash in Mountain Province was in pursuit of a “40 Mountains Project”, a project where he intended to cross 40 mountains to celebrate his coming 40th birthday. This was intended to celebrate the beauty of Philippine mountains and forests endangered by rapacious mining and logging activities by big corporations.

In the May elections last year, Tado ran as a councilor in Marikina, under the banner of Partido Lakas ng Masa. After failing to gain a seat in the city council, Tado declared that he did not lose the elections, but gained tens of thousands of supporters instead. Tado and the PLM knew that it was a herculean task to compete with the local trapos and the entrenched political dynasties in Marikina, but Tado had decided long ago to continue struggling against the electoral system, if only to reach out to a growing number of people.

Tado was also an indefatigable and jovial spirit during trying times. Together with PLM and other groups, Tado initiated the first people’s caravan that distributed relief materials in the devastated areas of Samar and Leyte a week after the Yolanda disaster. His disposition during the six-days’ caravan energized the entire team and helped ease the load of many survivors during the relief operations.

PLM extends its deepest condolences to his wife and four children, the rest of the family, and all friends and supporters of Tado. Pambihira ka, Tado, we salute you!

Partido Lakas ng Masa
February 10, 2013

Thursday, January 16, 2014

Saturday, November 30, 2013

Sulong, Bayanihang Sosyalismo!


INIAALAY namin sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio ang bagong anyo ng sosyalismo sa Pilipinas. Ito ang tinatawag naming Bayanihang Sosyalismo.

Kung tatanggalin ang masalimuot na pagpapaliwanag sa diwa ng sosyalismo, matitira ang diwa ng komunidad – o ang diwa ng solidaridad – ng bawat tao, tungo sa pagtulong sa bawat isa.Ito ang bayanihan na hindi kumikilala ng kapalit na salapi. Ito ang bayanihan na hindi tumutulong sa sarili lamang, o sa sarili lamang pamilya, kundi sa malawak na komunidad ng sangkatauhan.Ang bayanihan ang diwa ng sosyalismo. AT ang sosyalismo ay bayanihan ng bawat tao.

Sosyalismong may lokal na kulay Ang Bayanihang Sosyalismo ang paghanay ng mga sosyalistang Pilipino sa Sosyalismo sa ika-21 siglo. Ang bagong sosyalismo na nagwawagayway ngayon ng kanyang bandila at lumalaganap sa Latin Amerika.Nariyan ang ‘Bolivarianong Sosyalismo’ sa bayan ni Hugo Chavez sa Venezuela.

Ang ‘Komyunitaryong Sosyalismo’ sa bayan ni Evo Morales sa Bolivia. Ang ‘Buen Vivir Sosyalismo’ sa bayan ni Rafael Correa sa Ecuador.Lahat ito ay sosyalismong may lokal na kulay, sosyalismong isinulong ng kanilang nagdaang mga bayani at mga katutubong komunidad na nagsabuhay ng egalitaryang sistema (o pagkakapantay-pantay) sa kanilang pamayanan.

Dapat lamang na ialay ang Bayanihang Sosyalismo sa paanan ng bayani ng masang manggagawa at maralita na si Andres Bonifacio. Iniaalay din natin ito sa nagdaang mga bayani, babae o lalaki, na nakibaka para makamit ang mga aral at tagumpay na kailangan ng susunod na salinlahi sa mahabang martsa ng sangkatauhan tungo sa malayang lipunan o lipunang sosyalismo.Kabilang dito sina Lapulapu na nakibaka sa unang mananakop na Kastila; sina Rizal, Gabriela Silang, Tandang Sora at mga bayani ng Rebolusyong 1896; ang mga bayaning nakipag-gyera sa mananakop na Amerikano noong 1900s; ang mga unyonista at lider ng unang organisasyong komunista sa bansa; ang mga babae at lalaking gerilyero ng Hukbalahap at Hukbong Mapagpalaya ng Bayan; ang mga aktibista at sosyalistang lumaban sa diktadura; at ang mga sumunod pang nagpapatuloy sa adhikain ng mapagpalayang lipunan.

Bagong Sosyalismo

Sa ika-21 siglo, nagpanibagong buhay ang sosyalismo. Iwinaksi nito ang kamalian ng nakaraan at isinulong ang bagong pundasyon ng mapagpalayang lipunan.

> Sa halip na sosyalismong anti-demokratiko at otokratiko – ang bagong sosyalismo ay nagsusulong ng direktang demokrasya ng masa at pagtatayo ng tunay na mga gobyerno ng masa.

> Sa halip na sosyalismong state-centered na pinatatakbo ng mga burukratiko, ang bagong sosyalismo ay nagsusulong ng participatory democracy at ng kaginhawahan ng bawat komunidad.

Ang bagong sosyalismo ay sinusukat ngayon sa lapad ng mga serbisyong panlipunan na ipinagkakaloob sa bawat tao, kabilang ang disenteng pabahay, libreng health care, edukasyon, public transport, affordable na pagkain, tubig, elektrisidad at iba pang pangangailangan ng tao. Sa gitna ng mga serbisyong ito ay ang mobilisasyon sa mga tao mismo para sa pagkakaloob ng nasabing mga serbisyo.

Bagong Kilusan

Isinusulong din ng Bayanihang Sosyalismo ang laban ng mga bagong kilusan para sa karapatang panlipunan. Sentral dito ang sumusunod:

> Ang kilusan para sa pagpapalaya ng kababaihan, ang kilusang feminista, kilusan sa gender equality at kilusan sa pagtatanggol ng karapatan ng LGBT (lesbian, gay, bisexual at transgender).

> Ang kilusan sa pangangalaga sa kalikasan at ekolohiya, o ang kilusan ng eko-sosyalismo.

> Ang kilusan sa karapatang indiheniko (indigenous) at karapatan sa sariling pagpapasya ng mamamayang Moro at iba pang inaaping grupong katutubo.

Doon sa iba pang nais mabatid ang nilalaman at layunin ng Bayanihang Sosyalimo, may pampublikong presentasyon na gagawin sa December 8, 1pm, sa Espesyal na Kombensyon ng PLM, sa UP College of Social Works and Community Development (CSWCD), UP Diliman.

November 30, 2013

Mensahe sa ika-150 Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio

Sa ika-150 taon ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio:
Laban sa Inutil na Pangulo at Palpak na Elitistang Gobyerno

MAYPAG-ASA. Ito ang alyas o koda noon ni Andres Bonifacio, supremo ng Katipunan at lider-manggagawang namuno sa laban ng bayan sa kolonyalismong Espanyol. 

Isa’t kalahating siglo na mula nang isilang si “Maypag-asa” – ang dapat tanghaling unang pangulo ng republika ng Pilipinas. Ngunit napapanahon pa ring tanungin ng bawat Pilipino: “May pag-asa pa ba ang ating Inang Bayan”? 

Makabuluhan ang tanong na ito laluna sa panahong tayo ay humaharap sa kaliwa’t kanang mga pagsubok bunga ng kalamidad at mga kontrobersyang pampulitika. Laluna sa yugtong ito na tila nalulukuban ang buong bansa ng kawalang pag-asa.

Tahasan nating idinedeklara: “May pag-asa pa!” Subalit hindi ito grasyang magmumula “sa itaas”. Hindi ito manggagaling sa mga elitistang may-kontrol sa ating ekonomiya’t pulitika. Hindi magsisimula sa matataas na mga opisyal ng gobyerno na sinasamantala ang mismong kahirapan at pagdarahop ng masang Pilipino. 

Bakit? Dahil sa sumusunod na kadahilanan:

Ang gobyernong ito ay para sa mababang pasahod. Tuwi-tuwinang sagot ng rehimeng Aquino sa ating kahilingan para sa dagdag na sahod ay ang pagsasara ng mga pabrika at pagbabawas ng mga trabahador. Imbes na sundin ang Konstitusyunal na probisyon ukol sa living wage (o sahod na makabubuhay ng pamilya), ang gobyerno mismo ang tumatayong tagapagsalita ng blakmeyl ng mga kapitlalista para manatili ang mababang pasahod. Sa Enero 2014, itataas pa nito ang kaltas para sa Social Security System at Philhealth. Liliit lalo ang take-home pay ng mga manggagawa! Ang Wage Order 18 ang pinakamaliit na kautusan sa buong kasaysayan ng NCR wage board.

Ang gobyernong Aquino ay para sa kontraktwalisasyon. Sa kaso ng kontraktwalisasyon sa Philippine Airlines nang tangkain ni Lucio Tan (dating may-ari ng PAL) na alisin ang mga regular at palitan sila ng mga kontraktwal na empleyado sa pamamagitan ng outsourcing ng ilang departamento ng kompanya, kumampi ang Malakanyang sa katuwiran ni Tan. Gumawa ito ng bagong kategoryang “core” at “non-core” na hindi nakasaad sa Labor Code.

Ang gobyernong Aquino ay para sa demolisyon ng komunidad ng mga maralita. Walang habas ang demolisyon sa mga “informal settlers” sa mga punong lungsod. Diumano, ito ay para daw iligtas sila sa mga “danger zone”. Subalit mas masahol naman ang kanilang nililipatan sa mga relokasyon sapagkat bukod sa wala o kulang sa batayang mga serbisyo ay malayo pa sa kanilang mga trabaho. Ang mas hinahabol ng gobyerno ay pagwawalis sa mga maralita upang tumaas ang land value sa lungsod para sa mga real estate developer gaya nina Henry Sy, Zobel de Ayala, mga Gokongwei, Lucio Tan at Andrew Tan. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na presyo ng langis. Nang uminit ang protesta laban sa oil deregulation kasabay ng pagsirit ng presyo ng krudo sa $100 kada bariles noong 2012, nagpatawag ng rebyu ang Department of Energy. Pero imbes na aralin kung paano manunumbalik sa “regulated oil industry”, tutuklasin pa raw ang epekto ng deregulasyon sa presyo ng langis. Bagamat maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kawalang kontrol sa presyo ang siyang dahilan ng walang tigil na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo! Ang totoo, mas pinapaboran ng gobyerno ang mahal na presyo ng langis sapagkat mas tumataas din ang kanilang nakokolektang VAT bunga ng pagtaas nito! 

Ang gobyernong Aquino ay para sa mataas na singil sa serbisyo publiko. Hindi pinipigilan ang pribatisasyon ng mga dating sineserbisyo ng gobyerno gaya ng kalusugan, edukasyon, pabahay, pangmasang transportasyon gaya ng tren, atbp. Pinalitan lamang ng pangalan – tinaguriang private-public partnership (PPP) – ngunit iisa ang resulta: pagtutubuan ng mga kapitalista ang serbisyong panlipunan. Ilang halimbawa ng epekto nito ay ang napipintong pagtaas sa pasahe ng LRT at MRT, pagtataas sa toll fee sa NLEX, SLEX at iba pang tollway, at pagsasapribado ng mga pampublikong ospital.

Ang gobyernong Aquino ay para sa malalaking kapitalista. Sa nakaraang SONA, ipinagmalaki ni Noynoy ang “inclusive growth”. Aniya ang nais raw ng rehimen ay pag-unlad na para sa lahat ng Pilipino. Subalit sino lamang ang nakinabang sa ipinagmamalaking GNP/GDP growth? Ang pinakamayamang 40 pamilya na lumago ang yaman ng 37.9% noong 2011. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa political dynasty. Ang mismong pangulo ay nagmula sa pampulitikang angkan. Ito ang mga pamilyang nagpapasasa sa kaban ng bayan at hindi inuuna ang kapakanan ng nakararami at ang totoong pambansang pag-unlad. Hanggang ngayon, hindi pa rin naisasabatas ang enabling law sa Konstitusyonal na probisyon laban sa mga political dynasty. 

Ang gobyernong Aquino ay para sa pork barrel. Naluklok sa poder si Noynoy at partido Liberal sa islogang “kung walang korap, walang mahirap” at “daang matuwid”. Pero hindi niya tinanggal (bagkus ay dinoble pa nga!) ang PDAF ng mambabatas na matagal nang pinupuna bilang isa sa mga mekanismo ng korapsyon sa bansa. Bukod sa PDAF, mayroong P1.3 Trilyon na presidential pork na ginagamit – hindi sa lahatang-panig na pag-unlad – kundi sa pagpapanatili ng “utang na loob” ng mga lokal na opisyal at kanilang mga botante. 

AT HIGIT SA LAHAT, ang gobyernong Aquino ay palpak sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Ang sunod-sunod na kalamidad sa Visayas – mula sa lindol hanggang sa kamakailan lang na bagyong Yolanda – ang nagbulgar sa kapalpakan ng elitistang paghahari. Lumipas muna ang isang linggo bago opisyal na nasimulan ang pag-ayuda ng gobyerno sa Leyte’t Samar, partikular sa Tacloban. Ito ang INUTIL na administrasyong mas inuuna ang imahe bago ang pagtulong sa taumbayan. Hanggang ngayon, maraming lugar pa rin ang hindi nakakatanggap ng tulong mula sa gobyerno. 

Kung wala sa inutil na pangulo at elitistang gobyerno, nasaan matatagpuan ang pag-asa ng bayan? Nasa taumbayan mismo. Nasa ating sama-samang pagkilos. Nasa ating kapatiran at pagdadamayan. Nasa ating pagkakaisa’t paglaban. Makikita ito sa pagtulong ng milyon-milyong ordinaryong mamamayang hindi na naghintay sa anumang anunsyo ng gobyerno ngunit agad na tumulong sa mga nasalanta ng nakaraang mga sakuna. 

Mas pa, sapagkat ang sama-samang pagkilos “mula sa ibaba” ay nagkamit, kamakailan lang, ng sumusunod na mga tagumpay: 

Una, ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang PDAF ng mga mambabatas at iligal ang lump-sum appropriation sa pondo ng gobyerno at absolutong kontrol ng Malakanyang sa paggamit nito ng Malampaya fund (na dapat ay inilalaan sa paglikha ng enerhiya at elektripikasyon ng bansa). Hindi pa nagtatapos ang laban. Tinanggal lamang ang “pork barrel” ng mga mambabatas ngunit nananatili ng presidential pork. Hindi pa rin nailalagay ang partisipasyon ng taumbayan sa pagbabadyet ng gobyerno. Ganunpaman, makasaysayan ang naging hatol ng Korte. Maari na itong gawing batayan sa lahat ng susunod na kaso tungkol sa kabuuang “pork barrel”. Ito ang bunga ng tuloy-tuloy na pagkilos ng taumbayan na nasimulan sa Million People March sa Luneta noong Agosto 26.

Ikalawa, ang pagbabalik sa mga tinanggal bilang regular ng mga empleyado ng Philippine Airlines, sa pamumuno ng PALEA. Palagiang kinampihan ng gobyerno – mula sa Malakanyang hanggang sa Court of Appeals – ang outsourcing ni Lucio Tan para mapalitan ng mga kaswal ang mga regular at durugin ang unyong PALEA. Sa loob ng dalawang taon, lumaban ang unyon – sa tulong at suporta ng kilusang mamamayan at kilusang paggawa. Nang ibenta ang PAL sa San Miguel group, unang pumostura laban sa reinstatement ang bagong management. Subalit hindi natinag ang unyon bagamat umabot na ng dalawang taon mula nang i-lockout ni Lucio Tan ang PAL. Noong Nobyembre 16, dahil sa pangangailangan din ng PAL ng mga manggagawang mas may kasanayan sa trabaho, pumayag ang bagong may-ari na bumalik bilang regular ang mga kasapi ng PALEA.

Mga kababayan! May pag-asa pa. Ang ating katubusan ay nasa ating mga kamay. Sa sama-samang pagkilos, naging iligal ang PDAF at nakabalik ang PALEA. Sa pagkakaisa’t pakikibaka, may lakas at tagumpay ang mamamayang Pilipino. 

Mga kamanggagawa! Si Gat Andres ay manggagawa. Gaya rin nating sahurang alipin. Subalit pinangibabawan niya ang kahirapan. Nagkusang mag-aral at magtiyaga. Inisip ang kapakanan ng buong bayan, hindi lang ng sarili o sariling pamilya. Hanggang sa naging lider ng bayan. Sa okasyong ito ng ika-150 taon ng kapanganakan ni Bonifacio, tanggapin natin ang tungkuling pangunahan ang laban ng bayan sa elitista’t trapong paghahari. Higit sa anumang sektor sa lipunan, ang nagkakaisang pagkilos ng manggagawa, ng milyon-milyong walang pag-aari kundi ang kanilang lakas, talino at oras – ang siyang tunay na pag-asa ng bayan. Palpak na gobyerno, inutil na pangulo, itakwil! 

Nobyembre 30, 2013