Monday, July 7, 2014

PNoy, Abad: DAPat managot! Nagnakaw sa pondo ng bayan, DAPat kasuhan!

SIGAW NG PLM: P'NOY, ABAD: DAPAT MANAGOT! NAGNAKAW NG PONDO NG BAYAN, DAPAT KASUHAN!

Kasabay ng ika-122 anibersaryo ng pagkakatatag ng Katipunan, nagsagawa naman ng kilos-protesta ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa Welcome Rotonda upang tuligsain ang laganap na katiwalian sa pamahalaan, pangunahin na ang Malakanyang, Senado, Kongreso at ang iba't ibang ahensya ng gobyerno. 

Sa malaking streamer nila ay nakasulat: "PNoy, Abad: DAPat managot! Nagnakaw sa pondo ng bayan, DAPat kasuhan!" Para sa PLM, hindi lamang sina Napoles at Tandang BonJing (Enrile, BONg Revilla, at JINGgoy Estrada) ang dapat nakasuhan at nakakulong ngayon kundi lahat ng kawatan sa pamahalaan.

Nagsimula ang kilos-protesta bandang ikalima't kalahati ng hapon (5:30nh) at natapos ng ikapito ng gabi.

Ulat at mga litrato ni Greg Bituin Jr.

No comments:

Post a Comment