Pahayag ng Partido Lakas ng Masa (PLM)
sa Araw ng Paggawa 2009
Walang duda na lalong lalala pa ang krisis sa ating bayan. Daan daang-libo na ang manggagawang natanggal sa trabaho. Kabilang na rito ang maraming nag-uuwiang OFWs mula sa Taiwan, Korea, Hongkong, Malaysia, Middle East at Europa.
Bago matapos ang 2009, inaasahang darami pa ang magsasarang pabrika. Aabot sa higit 11 milyong manggagawa ang mawawalan pa ng trabaho.
Ipinakikita ng krisis ang patuloy na pagkalagas ng mga manggagawa sa industriya, o ng mga manggagawa sa “formal economy”. Sa kabila nito ay ang patuloy na paglaki ng mga manggagawa sa “informal economy” – mga vendors, tricycle drivers, jeepney drivers, o mga taong hindi mabigyan ng pormal na trabaho at nabubuhay na lamang sa sariling sikap o sa iba’t ibang kaparaanan.
Inutil na gobyerno
Habang tumitindi ang krisis, ang masaklap na katotohanan ay walang solusyon rito ang gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo. Sa halip ay mga pangako na ihahanap ng trabaho ang nagsisiuwing OFWs, magbibigay ng pautang, at magbibigay ng re-training sa mga manggagawa para makapasok sa ibang trabaho.
Pero lahat ito ay pangako lamang, gaya ng mga pangako ng sinumang pulitiko na mula pagkaluklok sa poder ay wala nang ginawa kundi magpakabundat sa yaman at kapangyarihan.
Kabilang sa mga pangako ang P330 billion “economic stimulus package”. Pero lumalabas na ito’y binubuo lamang ng mga:
(a) dati nang allocated budget para sa infrastructures at serbisyong pang-komunidad,
(b) mga tax break para sa mga korporasyon at kapitalista,
(c) at alokasyon para sa “temporary short-term jobs” gaya nang paglilinis sa kalsada, na gagamitin lamang sa panahon ng eleksyon.
Ang “stimulus package” na ito ay “stimulus” para sa mga trapo at sa mga kapitalista at hindi para sa mga manggagawa at maralita.
Gobyerno ng mga trapo
Sa madaling sabi, hindi mawawakasan ang krisis hanggat nananatili ang gobyernong Arroyo.
Pero palitan man ito ng iba pang gobyerno, hindi pa rin mawawakasan ang kahirapan. Laluna kung ang ipapalit ay gobyerno pa rin ng mga trapo. Mga tradisyonal na pulitiko na binubuo ng mga angkan na matagal nang naghahari sa ating bayan at nagnanakaw sa kaban ng bayan. Mga angkan na nagpapalit-palitan lamang tuwing ikaapat o ikaanim na taon para tayo pagharian at pahirapan.
Sa darating na 2010, magpapaligsahan na naman ang mga trapo. Sa isang banda ay ang mga trapo na nasa kampo ni GMA. Sila ang mga De Castro, Teodoro o sinumang babatain ni GMA. Sa kabilang banda ay mga trapo na Oposisyon kay GMA pero trapo pa rin sa kaibuturan. Sila ang mga Villar, Escudero, Roxas, Legarda at Estrada.
Sila ang mga matatagal nang politiko na nabigyan ng maraming pagkakataon na maglingkod sa gobyerno subalit walang inihatid na ginhawa sa bayan. Sila ang nagmula sa mga political clans na bumibilang lamang ng 120 pamilya na komokontrol sa pulitika ng higit 75% ng mga probinsya sa ating bansa. Sila ang mga angkan na may hawak ng malalawak na lupain at asyenda na ni-land grab sa ating mga ninuno. Dahil sa kanilang yaman sa lupa, ang kanilang mga anak ang naging malalaking kapitalista ngayon na nagpapahirap naman sa maraming mga manggagawa.
Kung ang ating ipapalit sa gobyernong trapo ni Arroyo ay gobyerno pa rin na galing sa ibang angkan ng mga trapo, walang mapapala ang masa. Kawawa pa rin ang bayan.
Gobyernong anti-trapo
Nagdudumilat ang katotohanan na ang tanging solusyon para baguhin ang ating kalagayan ay ibagsak ang gobyerno ng mga trapo at palitan ito ng gobyernong anti-trapo.
Kapalit ng angkan ng mga trapo, ang dapat maghari sa ating bayan ay mga kinatawan ng nakararaming mamamayan na matagal nang pumapasan ng krisis na dulot ng paghahari ng mga trapo. Sila ang:
(a) Uring manggagawa na binubuo ng mga batayang sektor ng manggagawa sa industriya, mga mala-manggagawa sa komunidad, mga urban poor, at mga manggagawa sa kanayunan. Kabilang dito ang mga vendors, ang mga drivers, mga manggagawa sa serbisyo at lahat ng nagpapatulo ng kanilang pawis para mabuhay.
(b) Hanay ng makabayang sundalo na ang mga lider – gaya nina Senador Sonny Trillanes, Brig. Gen. Danilo Lim, at Major Jason Aquino – ay ikinulong ng gobyernong Arroyo dahil nakipaglaban sa karapatan ng bayan. Sila ang makapangyarihang pwersa na ginagamit lamang ng gobyerno para seguridad sa kanilang paghahari at para ipambala sa mga kanyon. Ngayon ay nagsisimula na silang mamulat at maghangad ng pagbabagong magaganap lamang kapag naibagsak ang gobyerno ng mga trapo.
(c) Ang hanay ng mga panggitnang uri, o ang mga sektor na binubuo ng mga maliliit na mamumuhunan, mga propesyonal, abugado, artista, at mga kawaning kumikita ng malaki-laki kaysa karaniwan. Mabilis na bumabagsak din ang kanilang negosyo at kabuhayan, at unti-unti nilang nakikita ang kanilang sarili na dumadausdos sa ranggo ng mga manggagawa at walang-trabaho.
Tatlong pwersa, tatlong sandata
Ang tatlong pwersang ito ang kumakatawan sa tatlong sandata para sa pagbabago sa kasalukuyang lipunan. Sila ang kumakatawan sa malapad na hanay ng mga pwersang anti-trapo.
Dapat silang magsama-sama para itayo ang isang gobyerno na aagawin sa mga trapo. Isang gobyerno na ang ipapalit ay mga kinatawan ng tatlong pinakamalaki, pinakamalakas at pinaka-progresibong pwersa sa lipunan – ang malapad na hanay ng uring manggagawa, ang mga makabayang sundalo, at ang mga panggitnang pwersa.
Ang pagkakaisang ito ng tatlong pwersa ang naging dahilan ng pagbagsak ng mga gobyernong trapo sa maraming bayan sa Latin Amerika. Ito ang mga pwersang nagluklok kay Hugo Chavez, isang rebeldeng militar, sa Venezuela. Ito rin ang mga pwersang nagluklok kay Evo Morales, isang sosyalistang indigenous, sa Bolivia. Ito rin ang mga pwersang sumuporta sa pagkapanalo ni Bishop Fernando Lugo, isang aktibistang pari, sa Paraguay.
Sa Pilipinas ngayon, ang tatlong pwersang ito ang naghahandang magsama-sama sa darating na halalang 2010 para ilaban ang mga kandidatong anti-trapo. May mga nagmula sa makabayang sundalo gaya ni Brig. Gen. Danilo Lim; makabayang pari gaya ni Gov. Among Ed Panlilio ng Pampanga; at mga anti-trapong opisyales ng lokal na pamahalaan gaya nina Gov. Grace Padaca ng Isabela. Ihanay natin sa kanila ang mga lider ng manggagawa at maralita sa lungsod at kanayunan na sa malao’t madali ay mabubuo sa isang malapad na pwersang magbabagsak sa mga trapo.
Hindi lamang eleksyon
Ang tatlong pwersa na ito ay dapat magsama-sama hindi lamang sa eleksyong 2010. Dapat silang magsanib sa estratehikong layunin na gagamit ng lahat ng paraan para ibagsak ang trapong gobyerno at iluklok ang gobyernong anti-trapo.
Ang estratehikong layunin ay kailangang buuin sa pagkakaisa sa isang plataporma na maglilinaw ng mga pagbabagong nais nilang gawin sa gobyerno at sa lipunan. Bubuuin din ito ng pagkakaisa na pagsanibin ang lahat ng pamamaraan para itulak ang pagbabago. Pamamaraan ito na kombinasyon ng mga aksyon sa kalsada, aksyon ng makabayang sundalo, at interbensyon sa halalan.
Ngayong Mayo Uno, tinatawagan namin ang uring manggagawa na pangunahan ang nasabing pagsasanib ng tatlong pwersa, at ang nasabing layunin ng pagbabagsak ng paghaharing trapo at pagtatayo ng gobyernong anti-trapo. Dapat pangunahan ang pagsasanib at pagpaplanong ito mula sa pambansa hanggang sa lokal na antas.
Uring manggagawa, mangahas makibaka, mangahas magtagumpay!
sa Araw ng Paggawa 2009
Uring Manggagawa, Wakasan ang Krisis sa Lipunan!
Itayo ang Gobyernong Anti-Trapo!